Katherine
Pagka labas ko sa bahay ni aling delia sempre buhay pa ako at maganda.
Bigla namang humangin ng malakas at kumulog.
"Grabe ah, oona hindi na ako maganda langya" sabi ko saka binilisan ang lakad dala yung pag kain na galing kila aling delia.
Mas binilisan ko pa ang lakad ko, nakikita ko nadin 'yung court, see? Ang lapit lang diba.
"Katherine lyra!" Nabigla ako ng may tumawag sa pangalan ko, tumingin ako sa court at nakita ko Ang nag kaka crush sa'kin alam ng taga baranggay namin may gusto nya ako may pa tarpulin pa sila ng picture namin tangna kaazar mga te!
Naka jersey sya at may hawak na bola. "Para sayo to!" Sigaw nya nag tinginan naman ang iba sakanya, ang iba naman ay chini-cheer pa sya, at nag titilian naman ang mga kababaihan at mga bakla.
Kumindat pa sya saakin bago i shoot ang bola.
Agad akong tumawa ng malakas dahil hindi na shoot ang bola.
Inirapan kosya bago nag tuloy sa pag lalakad.
Anong akala nya saa'kin easy to get, duh?.
Pero gwapo sya dzai as in matangkad pa at maputi.
Narinig kopang nag tawanan ang mga kaibigan nya pati narin ang mga matatanda.
Sa totoo lang ang saya ng baranggay namin lahat kami mag kakaibigan, nag kakaisa at nag tutulungan kapag may problema kaso ngalang ang daming mga chismosa ako ata leader nila bwahaha.
Gwapo naman si kevin 'yung may gusto sa'kin mayaman din sila at sa sikat na school sya pumapasok ewan konga bakit nag kagusto sya sa'kin eh mahirap lang naman ako, naisip konga pinag tri tripan lang nya ako kaya ako na ang lumalayo sakanya mahirap na baka ma fall ang lola nyo.
Chos, wala talaga ako pake sa love nayan family at study first muna.
Pagkarating ko sa mumunti naming bahay nakita ko sila kuya na nag papa gwapo.
"Saan ang lakad aber?" Naka halukipkip na tanong ko.
"Taga singil ng pera sa pasahero." sagot ni kuya khiel.
"Eh? Kondoktor tapos ganyan ayos nyo? May pinopormahan kayo no?" Wika ko at pumasok sa loob saka nilagay sa lamesa ang pagkain.
"Saan naman to galing?" Tanong ni papa na basa ang buhok halatang kakaligo lang.
"Kila aling delia pa" sagot ko.
Mamasada ng jeep pero nag papa gwapo?
May kabit kaya si papa?
Kumuha si papa ng plato at nilagay dun ang pagkain sinundan kolang ano ginagawa nya.
Pumasok nadin sa loob ang tatlong itlog at agad kumuha ng plato saka kumuha ng pagkain nila.
Nag dasal muna sila bago kumain.
Bihira lang saamin makatikim ng masasarap na ulam kasi puro malunggay ulam namin kinukuha sa kapitbahay para tipid nadin sa pera.
"Pa may kabit ka?" Diretsyong tanong ko bigla naman silang nabulunan.
"Ayan nangaba sinasabi ko eh! May kabit ka pa, sino? Siguraduhin mong mas maganda ang ipapalit mo kay mama" Sabi ko at kumuha ng Shanghai at kinain.
"Ano bang sinasabi mong bata ka, wala akong kabit kayo lang ng mama mo ang prinsesa ko" sabi ni papa sumangayon naman ang mga panget kong kuya.
"Dyan kayo magaling mga lalaki sasabihan nyo ng matatamis na salita ang mga babae tapos mangangako kayo pero lagi namang napapako" sambit ko at umirap.
"Bakit naranasan monaba?" Tanong ni kuya kelly habang ngumunguya.