Katherine
"Katherine?" naalimpungatan ako ng may kumatok sa may pinto.
"Pota natutulog 'yung tao istorbo!" Sigaw ko at pumikit.
"Ano kamo?! Si trina to lumabas kana dyan at gawin ang trabaho mo!" Sigaw ni miss trina agad akong napabalikwas ng bangon at binuksan ang pinto.
"Mag luto kana ng pagkain ni sir adrian at timplahan mosya ng kape nya at dalhin mosa kwarto nya at saka bakit 'yan parin ang suot mo?" Tanong ni miss trina, tinignan ko ang kabuuan ko pang maid parin pala ang suot ko.
"Nakalimutan ko eh, sige po miss trina hintayin nyo nalang po ako sa labas, good morning pala" nakangiting wika ko at nag bow, saka dahan dahang sinara ang pinto.
Buti nalang may cr dito shems diko na kailangang bumaba, agad akong pumasok sa cr at namangha ako dahil may shower pa ito at saka may bathtub ganito 'yung sa mga panood ang susyal naman ng kwarto ng maid.
kinuha ko ang toothbrush kosa bag ko at bumalik sa banyo saka hinubad ko ang damit kong pang maid saka nag punta sa bathtub, sana maranasan din nila papa,mama at kuya ang ganitong buhay.
Binilisan ko na ang pagligo ko ang dami koring nilagay na shampoo at conditioner sa buhok ko ang tigas kasi, pag katapos kong maligo sinuot ko na ulit ang pang maid na damit may nakita akong mga cream na nilalagay sa mukha kinuha ko ang mga 'yun saka nag lagay sa mukha, nag pabango din ako feel at home ako shems bwahaha.
Ang taray kung ganito ba naman ang buhay ng maid mas magandang habang buhay nako dito charot haha!
Pagka labas ko ng kwarto ay bumaba na agad ako naabutan ko naman si hazel, ate dianne at miss trina sa kusina.
"Dalian mo ang pagluluto, dalhin mo yan kay sir adrian at ma'am andrea para makapag breakfast na" utos ni miss trina, tumango lang ako at nilabas na ang karne at cheese sa reft.
"Mama malengke tayo mamaya" sabi ni miss trina, tumango nalang ulit ako at tinuon ang pansin sa niluluto ko.
Ng matapos kong mag luto ay nag timpla na ako ng dalawang tasa ng kape.
"Masarap ang luto mo ah fast learner ka pala" sabi ni hazel, lihim nalang akong napangiti kahit pala maldita sya nagustuhan nya ang luto ko.
"Agree,mukhang hindi naman sasakit ang ulo sayo ni adrian" natatawang sambit ni ate dianne, tumawa nalang din ako.
Nilagay kona ang pagkain nila sir adrian at ma'am Andrea sa food tray pati narin ang kape nila.
"Dalhin mona 'yan sa taas iha at kumain kana pag kababa mo" sabi ni miss trina nag bow lang ako sakanila at nag tungo kung saan ang kwarto nila, nakita ko naman si miss elliza sa sala.
"Good morning po miss elliza nakapag handa na ng pagkain kumain na po kayo dun" sabi ko at plastik na ngumiti, ngumiti lang din ito saakin pero mataray ang mukha, sipain ko sya eh.
"Maganda kang bata, mag kakaron na ng asawa ang anak ko at sana wag mosyang lalandiin ganyan kasi ang iba dati, sige na dalhin mona ang pagkain nila" utos nya nag bow lang ako saka umakyat na.
Wow! anong akala nya lalandiin ko anak nya pwe! Hindi ako katulad ng iba. Pag karating kosa may pinto ni sir adrian ay kumatok ako.
Si ma'am andrea ang nagbukas ng pinto saka kinuha nya saakin ang tray. "Thanks" tipid nyang sagot at sinira ang pinto.
"Mag break sana kayo" bulong ko at nag mamadaling bumaba, nagugutom na kasi ako.
Pag kababa ko nakita ko ulit si miss elliza nakaupo sa couch at may hawak na laptop. "Miss elliza kain na po" nakayukong sabi ko.