Katherine
"Ano? Mag tratrabaho ka sa bahay ng mga brazen? Hindi pwede!" Galit na sabi ni kuya kelly.
"At baket? Gusto ko mag trabaho kuya para mapadali na at mayabaran ang inutang natin na jeep" nag pa cute ako sa harap nya.
Kakauwi lang namin at sinabi ko sakanila na mag tratrabaho ako sa bahay ng brazen bilang katulong sinundo rin ni kuya kyle si mama kanina kila aling delia.
"Ano kaba kelly, si delia ang nag sabi na mag trabaho sya dun mataas din ang sweldo na ibibigay" panunuyo ni mama.
"Ayoko nga diba? Maya yaman Sila baka nga kawawain kadun. Karamihan sa mayayaman ay ganon." Inis na sabi neto
"kuya hindi lahat ng mayaman ganon. Kung iniisip mong may mangyayari saakin, wala" sambit ko, habang naka ekis pa ang kamay.
"Payag kami ni mama mo anak si kuya mo nalang" sabi ni papa na nakaakbay pa kay mama.
"Sige, kailan kaba mag sisimula?" Sabi ni kuya kelly agad naman akong yumakap sakanya.
"Sabi na papayag ka eh, bukas na ako mag sisimula kuya kung gusto mo ikaw nadin mag hatid saakin" ginulo gulo naman ni kuya ang buhok ko.
"17 ka palang pero gusto mona makapag trabaho para saamin" wika ni kuya.
"Aba sempre naman"
"Bukas na 'yan pag uusapan naten kasama si delia" sabi ni mama.
"Lyra, kung sakaling nandun pa si dianne bukas itanong mo kung may jowa basya ha?" Sabi ni kuya kyle at napakamot pa sa ulo.
"Nye nye oo na" sabi ko at nag fist bump kami.
Sa tatlo kong kuya si kuya kyle at kuya khiel talaga pinaka close ko si kuya kelly medyo lang nakakatakot kasi sya magalit ang protective nya, pero lab na lab kosya.
"Sige matulog na mga anak maaga pa tayo mamasada bukas" sabi ni papa.
"May nagugustuhan kana kyle? Waaahh ipag papalit monaba kami ni lyra?" Gulat na sabi ni mama.
"Ma sempre hindi, saka hindi ko naman mahal 'yun humanga lang ako kasi ang g-ganda nya" nahihiyang sabi ni kuya kyle.
"Buti naman kung ganon'nak" wika ni mama.
"Matutulog na kami ng papa nyo siguradong napagod sya sa pasada at ganon din ako, napagod kila delia kayo din matulog na wag mag pupuyat" sabi ni mama yumakap naman kami sakanila.
Pumasok na si mama at papa sa kwarto nila, kami nalang nila kuya ang naiwan dito sa sala.
"Bukas na ako mag tratrabaho sa bahay ng brazen ma mimiss nyo ako no?" Sabi ko at tinaas baba pa ang kilay.
"Hindi no asa ka!" Sambit ni kuya khiel.
"Edi hindi paki ko" sabi ko at umirap.
"Ayus ayusin mo pag uugali mo pag nandun kana sa Bahay ng brazen lyra,kilala kita kapag may umapi sayo hindi ka nag papatalo" seryosong Sabi ni kuya kelly.
"Opo, saka hindi ko naman pinapalaki ang mga bagay bagay pwera nalang kung magulang kona inaapi hindi ako papatalo" taas noong sabi ko.
"Inalagaan ka namin at ayaw naming mawala ka" sabi naman ni kuya kyle.
"Hindi naman ako mawawala ano mag tratrabaho lang" sabi ko.
"Kung alam mo lang" bulong ni kuya khiel.
"Ang alin?" Nag tatakang tanong ko.
"Huh? Ang sabi ko kung alam mo lang. Mahal na mahal ka namin" nakangiting sabi ni kuya khiel.