MAHIWAGA

8 2 0
                                    

"Matang magkakilala sa unang pagtagpo..."


Mahiwaga parang araw,
Sinliwanag ng kalangitang bughaw.
Mula sa malayo ay tinatanaw,
Dalangin ay laging ikaw.

Mga matang kumikislap,
Isang tingin ay para bang nasa ulap.
Ngiti mong laging hinahanap,
Makita lang ay sapat.

Sa tuwing titingin,
Nakikita ang magandang tanawin.
Sa langit ay humihiling,
Na sana'y maging akin.

At kung hindi man,
Ikaw ay pakakawalan.
Nawa'y ikaw ay pangalagaan,
Ng babaeng iyong inaasam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝗧𝗮𝗿𝗮-𝗧𝘂𝗹𝗮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon