Chapter XII

2 0 0
                                    

CHAPTER TWELVE
REIGN OF POWER

"Pasensya na kung biglaan.. urgent kasi 'to eh." Pagdating namin sa room ay nandito na silang lahat pati na rin si Sir Clinton.

"Ano po ba 'yon sir?" Tanong naman ni Lorgan.

Biglang may kinuha si Sir Clinton sa ibabaw ng desk. Mga papel na malilit ba 'yon? Hindi ko masyadong makita kung ano ang nakasulat dahil malayo pero sigurado akong  papers iyon. Isang uri ng papel na kapag hindi sayo inadress ay hindi mo maiintindihan ang nakasulat. Ang alam ko officials lang ang nagamit noon, pwede rin naman kapag pinapadalhan ng sulat mula sa mga magulang ang mga estudyante dito, nakita ko 'yun minsan kay Chione at mula daw 'yon sa Mommy niya. Bigla ko namang naalala si Tita Emily, hindi ba siya nag aalala sa'kin? Ni minsan hindi niya man lang ako pinapadalahan ng sulat.. marahil ay marami pa siyang ginagawa, siguro nga.

"This will be your new schedule. As you can see, we are shuffling all the students.. "

"Ibig sabihin po?" Bakas ang pagkalito sa boses ni Hel matapos putulin ni Sir ang sasabihin niya.

"Ibig sabihin hindi na kayo magkakasama sa mga klase. Because there will be six sections from now on. " Natahimik naman kaming lahat. Wait! Does that mean na magkakaiba na rin kami ng mga dorms? Sana naman hindi.

Nangalumbaba naman si Hel sa desk niya, "Pero bakit naman po sir? Akala ko po ba delikado 'yon?" Napaisip naman ako sa tanong niya, sabagay.. ang sabi sa amin delikado nga daw 'yon dahil may mga Magus na in-conflict sa isa't-isa at kapag ganon siguradong magkakagulo.

Sumandal si Sir sa desk niya, "Hindi na ngayon. As I was saying.. the arrangements was varrying in every elements." Muli niyang inayos ang mga papel sa kamay pagkatapos ay naglakad patungo kay Chione, "Elements such as electricity," sabay abot niya ng isang papel kay Chione, "Air, light, ice, water and fire." Itinuloy niya ang pagbibigay patungo kay Hel, sa akin, kay Lorgan, kay Atlas at ang huli ay kay Levi.

"Katulad ng sinabi ko sa inyo nung nakaraan.. we are only gifted with the power to control those elements at hindi lang kayo ang may kakayahan na ganon, there are certain children out there who are given the same innate ability as yours. That's why the Court of Magistry has already given their orders. Though, all schools in the four kingdoms were ordered to do so. "

"Are they preparing us for something, Sir?"

Lakas loob na binasag ni Chione ang katahimikan. Preparing for something.. something what? Hindi ko maintindihan ang nangyayari, it was like walking in the middle of nowhere. Though, the place was vivid in my sight.. this unknown feeling was killing me, na parang may kung ano akong hinahanap.. a grief towards something or was it someone? Napabuntong hininga naman ako dahil sa mga naiisip ko, my head's aching again.

"Ah.. good question." Saglit na tumigil si Sir na parang nagdadalawang isip kung dapat ba siyang magsalita o hindi. Nagulat naman ako ng biglang sumara ang mga pinto at bintana at pagtingin ko kay sir ay nakapikit na siya, it's like he did it on purpose. Ramdam ko rin ang pagbigat ng hangin sa loob ng room, my hands are both shivering.

"I was not supposed to tell you this but—" bigla naman siyang napatigil, sa kung anong dahilan hindi ko alam, "—you're all knowledged about the prophecy right?" Tumango naman kami sa tanong niya.

This time ay seryosong-seryoso na siya, ramdam ko ang intensity sa mga mata niya.. it was suffocating. At 'yung prophecy na binanggit ni Sir, kung hindi ako nagkakamali nabasa ko na 'yon sa isa sa mga history books back in Belarus, well technically nung nalaman ni Tita Emily na nagbabasa ako ng ganon ay nagalit siya.. sabi niya hindi daw magandang buklatin ang kung ano-anong bagay, kasama na rin ang mga kaganapan ng nakaraan. She said, it was something that kids shouldn't interfere.

Reign of Light Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon