One

178 7 0
                                    

"Wala ka na ba talagang gawin bata kung hindi painitin ang ulo ko" galit na sigaw ni Eduardo sa kanyang bunsong anak.



"Pwede ba puyat ako Daddy bukas mo nalang ako sermonan" walang ganang sabi ni Cassandra. Akmang aalis na siya ng hinila siya ng kanyang galit na galit na ama.



"Wala ka na talagang respeto Cassandra! bakit hindi ka tumulad sa ate mo!" naiinis na sabi ng kanyang ama.



Pilit namang tumawa si Cassandra, lagi naman di ba! puro si Ate nalang ang magaling sa kanya sambit ng dalaga sa kanyang isipan. Napailing nalang si Cassandra at pumunta sa kwarto niya.



"CASSANDRA HINDI PA TAYO TAPOS!" rinig niyang sigaw ng kanyang ama.

Napaupo nalang ang dalaga sa likod ng pintohan sa kanyang malaking kwarto. Naramdaman niyang basa ang kanyang magkabilang pisngi. Out of nowhere tumawa nalang ang dalaga. " Hindi ka pa ba nasanay Cassandra? Lagi ka naman mali sa paningin niya!" kausap ng dalaga sa kanyang sarili.



Tumayo siya at humiga sa kanyang malamig na kama.



Hindi niya mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi.



"The prodigal daughter of Mr. Dela Vega strikes again"



"Anak ng isang kilalang senador nakitang nakikipaghalikan sa isang hindi kilalang lalaki"



"Cassandra Dela Vega nakikipagmake-out sa mga ibat ibang lalaki, senador alam ba niyo ito!!"



"Eduardo Dela Vega, pabayang ama!"



Halos ibato na ni Eduardo ang mga dyaryong ibinigay ng kanyang sekretarya. Kagaya ng nasa naisip niya kagabi alam niyang gagamitin itong black propaganda sa kanya ng mga kalabayan niya sa senado.



"You know what to do Matthew" nanggigil na sabi ng senador.



"Naayos na po sir" sagot ng kanyang sekretarya.



"Pakitawag ang magaling kong anak!" galit na sabi ni Eduardo.



"Right away sir" sagot ni Matthew.



"MS.Cassandra kanina pa po kayo pinapatawag ng inyong ama" gising ng isa sa mga katulong nila sa bahay.



"Pwede ba! ang aga-aga pa!" inis na sabi ni Cassandra.



"Maam gusto daw po kayong makausap ni Sir" pilit ng matandang katulong.



"Manang please! sabihin mo sa kanya siya ang may kailangan kaya siya ang pumunta dito!" galit na sabi ng dalaga.



"Ma__" naputol ang matanda sa sigaw ng isang galit na galit na lalaki.



"CASSANDRA!!" imbis na tumayo ang dalaga, pinili niyang matulog ulit.



Nangigil ang senador sa ginagawa ng kanyang anak kaya dali-dali niyang linapitan ang kanyang anak at hinila ito pababa.



"FU*K! HINDI MO BA NAKIKITA NATUTULOG AKO!" Sigaw ng dalaga.



"WALA KA NA TALAGANG RESPETO NATITIRA SA KATAWAN MO!" galit na sigaw ng kanyang ama.



"GOSH! PWEDE BA TIGIL TIGIL NIYO YANG PAGIGING PERFECT FATHER IMAGE NIYO! KASUYA" sagot ng dalaga sa kanyang ama.



Hindi na mapigilan ni Eduardo ang kanyang sarili, akmang sasapalin na niya ang kanyang bunsong anak ngunit narinig niya ang boses ng kanyang panganay na anak.



"Daddy!" awat ni Charlotte sa kanyang ama. Agad naman niyang nilapitan ang bunso niyang kapatid.



"Kausapin mo nga yang magaling mong kapatid!"sambit ng kanilang ama at iniwan silang magkapatid.



Niyakap ni Charlotte ang kanyang bunsong kapatid. Dahil sa yakap ng kanyang ate hindi na mapigilang umiyak ni Cassandra.



"Tama na" sambit ng kanyang ate habang pinupunasan niya ang mga luha ng kanyang kapatid.



"Ate" naluluhang sabi ng kanyang bunsong kapatid.



"Shhh tahan na, nandito na si Ate" bulong ni Charlotte sabay halik sa noo ng kanyang bunsong kapatid.







--

Alex Gonzaga as Cassandra "Cassy" Dela Vega

Toni Gonzaga as Charlotte "Charlie" Dela Vega

Christopher De Leon as Eduardo Dela Vega

I fell in love with Mr.MagsasakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon