Prolouge

323 14 0
                                    



"WALA KA TALAGANG RESPETO SA AKIN" sigaw ng senador habang hinihila niya pababa ng sasakyan ang bunso niyang anak.



"Mahal ko siya!" sigaw ng dalaga habang patuloy pa rin ang pagluha niya.



"ITIGIL MO NGA YANG KAHIBANGAN MO!" galit na sigaw ni Eduardo sa anak niya.



Tinulak ni Eduardo ang kanyang anak papunta sa kwarto nito. Walang magawa ang dalaga kung hindi umiyak.



"MULA NGAYON HINDING HINDI KA AALIS DITO SA KWARTO MO!" sigaw ng ama niya sa kanya, ngunit tila naging bingi na siya dahil sa sakit na ginawa ng tatay niya.



"HUWAG NA HUWAG NIYO SIYANG PALALABASIN!" Sigaw niya sa mga katulong nila.



"Sir Eduar.." sambit ng matandang katulong.



"Huwag kayong makikialam dito yaya Pasing" sambit ng senador. Binalin naman niya ang tingin niya sa kanyang anak na nahiga sa kama nito at umiiyak.



"AT IKAW MULA NGAYON HINDING HINDI MO NA MAKIKITA YANG LALAKING IYON!"



"Dad please" she pleaded.



"KUNG HINDI PA AKO NAGPUNTA DOON HINDI KO MAN LANG MALALAMAN YANG KATANGAHAN MO!" sigaw ng ama niya.



"MULA NGAYON HINDI MO NA SIYA MAKIKITA, AT KAPAG SUMUWAY KA SA AKIN HINDING HINDI MO NA TALAGA SIYA MAKIKITA" galit na paalala ng kanyang ama.



Lumabas si Eduardo sa kwarto ng anak niya at dali-daling tinawag si Yaya Pasing.



"Mula ngayon ilalock ninyo ang kwarto niya."



"Maawa ka naman sa bata..."



"Hindi ba sabi ko sa inyo huwag na huwag kayong makikialam dito" seryosong sabi ng senador.



"Anong sasabihin ko kay Maam Charlie.." tanong ng matanda.



"ako na ang bahala." tipid nitong sagot.



PATULOY pa rin ang pagtulo ng luha ni Cassandra.



Tumayo siya at dali-dali niyang kinuha ang medicine kit niya.



Gulong-gulo ang utak ni Cassandra. Natatakot siyang baka anong gawin ng kanyang ama sa kanyang mahal.



Kaya minabuti na lang niyang tapusin ito. "Ako naman ang may kasalanan nito" sisi niya sa kanyang sarili.



Kinuha niya ang bote ng sleeping pills, binuksan ito at nilabas lahat ng laman sa kanyang palad. "sorry" naiiyak niyang bulong. Sabay inum sa mga sleeping pills sa kanyang palad.



I fell in love with Mr.MagsasakaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon