☪︎ CHAPTER 75 ☪︎

35 3 0
                                    

[Athena's POV]

               

"Pasensya na po maam, hindi po tayo pwedeng maghain ng reklamo laban kay Mr. Villareal. Wala po kayong ebidensiya sa mga binibintang ninyo sa kanya..."

Napatayo ako sa kinauupuan ko at sisigawan ko na sana yung lecheng pulis na yun pero agad akong inawat ni Kingston.

                 

"Tama na Athena. Tama naman siya eh. Wala tayong ebidensya...."

Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama.

                 

"Anong wala tayong ebidensya? Eh ano yang sugat mo? Hindi ba yan ebidensya?"

Sabi ko kaya natahimik siya. Lecheng lalaki to, imbes na ako ang kakampihan yung pulis pa yung mas pinaniwalaan niya!

Tumingin ulit ako dun sa lintek na pulis na yun at nginisihan ko siya.

                

"Ikaw! Kasabwat ka nung mamamatay tao na yun no? Wag mo nang itanggi!"

Sabi ko at sasabunutan ko na sana siya pero agad na naman akong inawat ni Kingston at pinaupo niya ako ng maayos.

               

"Maam! Wag niyo naman po akong pagbintangan! Ginagampanan ko lang po ng maayos ang trabaho ko! Hindi po ako pwedeng basta basta nalang magkulong ng isang tao!"

Inirapan ko lang naman siya at napailing iling ako.

                

"Kitang kita niyo na nga yang ebidensya oh! Ayan! Binaril niya pati ang sariling anak niya! Hindi pa ba yan sapat? HA?!"

Sabi ko at hinila ko pa ang braso ni Kingston saka ko ito itinapat sa mukha nung pulis. Maya maya ay binitawan ko na ito dahil nakikita kong nasasaktan na si Kingston.

             

"Eh maam, may video po ba kayo na tinangka talagang patayin ni Mr. Villareal itong si ser?"

Aba at——

              

"Kung ikaw kaya yung hahabulin ko at pagtatangkaan pa kitang patayin magagawa mo pa bang mag video? HA?! Ulol ka ba?" Sigaw ko.
              

"Athena tama na!"

Napatayo na naman ako sa kinauupuan ko pero agad ulit akong inawat ni Kingston. Napairap lang ako at pinilit ko ang sarili kong kumalma. Bwiset na pulis to.

              

"Eh kung ganun naman pala po maam, hindi po talaga natin pwedeng kasuhan si Mr. Villareal. Wala po talaga tayong matibay na ebidensya..."

Napairap na naman ako dahil sa sinabi ng pulis na yun at inalis ko siya sa paningin ko bago ko pa siya masakal.

Eh pano naman kasi kami makakakuha ng ebidensya dun eh abalang abala nga kami sa pagtakas? Wala atang utak tong pulis nato.

             

"Hindi po namin kayo matutulungan sa pagsampa ng kaso kay Mr. Villareal pero pwede pong bantayan nalang namin kayo palagi para palagi po tayong handa sa tuwing aatakehin ulit kayo ng taong yun...."

Lumingon ano dun sa pulis at tinanguan ko lang siya. Okay na din siguro yun.

             

"Atsaka po maam, napansin ko pong may sugat po si ser kaya pwede po ba namin siyang dalhin sa hospital? Mukhang lumalala na po kasi. Sumama nalang po kayo para may magbabantay sa kanya...."

Napatingin ako kay Kingston at sa sugat niya. Napansin kong hanggang ngayon ay dumudugo parin ito pero hindi na naman ganun karami.

Ibinalik ko ulit ang paningin ko dun sa pulis na kausap namin at tinanguan ko siya ulit.

             

"Sige. Basta dalhin mo kami sa magandang hospital. Ayoko sa hospital na marumi at mabaho...."

Tumango naman yung pulis at maya maya kinuha niya yung telepono na nakapatong lang sa lamesa niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumayo siya sa amin para kausapin yung tinawagan niya.

Napatingin ako sa kanya at nakaramdam ako ng iba. Nararamdaman kong may kakaiba sa pulis nato.

              

"Athena, hindi mo na siya kailangang pagsigawan."

Lumingon ako kay Kingston at tinaasan ko siya ng kilay.

               

"Eh nambibwiset eh! Kitang kita na nga niya yang sugat mo hindi parin siya naniniwalang pinagtangkaan talaga tayong patayin?"

Napairap siya at agad siyang umiwas ng tingin. Nabaling ulit ang atensyon ko dun sa pulis na kinakausap parin yung kausap niya sa telepono.

                

"Atsaka, nay nararamdaman akong kakaiba sa kanya. May mali sa kanya. Sigurado ako dun...."

____________________________

WHEN ICE DEFROST (LOVE+WAR SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon