☪︎ CHAPTER 42 ☪︎

45 3 0
                                    

[Athena's POV]

Nandito na ako ngayon sa back stage, naghahanda na para sa performance ko. Sobrang kinakabahan ako, first time ko kasing magpeperform sa harapan ng maraming tao.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ko ang pagmimake up ko. Maya maya ay nakita ko si Kingston mula sa salamin kaya napangiti ako.

Agad akong lumingon at tumayo para yakapin siya.

"Kinakabahan ka ba?"

Tanong niya habang magkayakap parin kami. Maya maya ay bumitaw na ako sa yakap namin at tinanguan ko siya.

"Okay lang yan, manonood naman ako para naman medyo mawawala na yang kaba mo. Atsaka, nakapag rehearse naman tayo ng one week kaya sigurado akong hindi ka na magkakamali sa stage..."

Oo nga. Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Boo, okay lang ba sayo kung ikaw muna ang magpipiano? Baka kasi magkamali ako kapag ako pa ang gagawa nun...."

Tinanguan lang naman niya ako habang nakangiti.

"Of course naman Boo Boo Bear ko..."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang jeje talaga ng call sign namin. Siya kasi ang nakaisip niyan kaya pumayag nalang din ako.

"Wag mo nga akong tawagin ng ganyan. Boo nalang...."

Sabi ko at ipinagpatuloy ko ang paghahanda ko.

Maya maya ay nilapitan na ako nung isang babae at sinabihan niya akong paakyatin na sa stage. Humarap ulit ako sa salamin for the last time saka ako hinalikan sa pisngi ni Kingston kaya nagulat ako.

"Anong ginagawa mo?"

Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay ko.

"Wag mo nga akong tarayan diyan. Umakyat ka nalang dun sa stage para makapaghanda na rin ako sa piano ko...."

Inirapan ko pa siya bago ako umalis pero tinawanan lang niya ako. Nasanay na kasi siya sa kamalditahan ko kaya normal na sa amin yun.

Umakyat na ako sa stage pero umupo muna ako sa gilid habang hindi pa natatapos yung isa sa performance niya. Napatingin ako sa dami ng mga tao at bumalik ang kaba ko.

Maya maya ay natapos na yung nagpeperform sa stage kaya naisip ko na ako na ang susunod na kakanta.

May sinabi pa yung host ng festival namin sa harapan ng maraming tao pero hindi ko na narinig yun dahil sa kaba ko. Nang inabot na nung host sa akin ang microphone ay tumayo na ako at pumuwesto na ako sa harapan.

Nag antay ako kung kailan tutunog ang piano bago ako kumanta. Ilang segundo na akong naghihintay pero wala naman kaya napapikit ako. Nasan na ba kasi si Kingston? Leche naman yung lalaking yun oh!

Napatingin ulit ako sa mga audience at nakita kong pinagbubulungan na nila ako kaya napairap ako. Leche yan.

Maya maya ay tumunog na ang piano kaya napahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa kung saan nanggaling ang tunog na yun at nakita ko si Axel kaya nagulat ako. Akala ko ba——

Hindi ko nalang muna yun pinansin at sinimulan ko nalang ang performance ko. Bakit siya ang tumutugtog? Akala ko ba si Kingston ang magpi- piano para sa akin? Nasan na ba yung lalaking yun? Pagkatapos kong mag perform dito uupakan ko na talaga siya!

.
.
.

Pagkatapos kong magperform ay pumalakpak ang mga audience kaya napangiti ako. Mabuti naman at mukhang nagustuhan nila. Napatingin ako kay Axel at nginitian rin niya ako.

Bumaba na ako ng stage at agad kong hinanap si Kingston pero hindi ko siya makita. Nasan na ba yun?

"Athena! May hinahanap ka?"

Napatigil ako sa pagtakbo nang may tumawag sa akin mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Axel.

"Oo, hinahanap ko boyfriend ko. Nakita mo ba siya?"

Tinanguan lang naman niya ako.

"Oo, nandun siya sa CR. Hindi daw kasi maganda ang pakiramdam niya kaya ako muna ang pinag piano niya..."

Tumango tango lang naman ako. Kaya pala.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pumunta ako sa CR. Binuksan ko ang pintuan at nginitian ko siya.

"Boo, bakit hindi mo sina——"

Nawala ang ngiti ko nang nakita ko si Kingston na kayakap si Marah. Para akong binagsakan ng langit dahil sa nakita ko. Siya na naman? Akala ko ba wala na sila?

Nang napansin ni Kingston na nandito na pala ako ay agad niyang binitawan si Marah at hinarap niya ako.

Tiningnan ko siya ng masama saka ko siya sinampal. Walang hiya siya, isang linggo pa nga mula nung naging kami tapos ganito na siya? Sana pala hindi ko nalang siya sinagot! Bwiset!

____________________________

WHEN ICE DEFROST (LOVE+WAR SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon