☪︎ CHAPTER 95 ☪︎

33 3 0
                                    

[Athena' POV]

"Athena sumama ka sa akin. May nakita ako dun sa likod ng gate...."

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko at tiningnan ko ng masama si Kingston. Kaaga aga nanggigising na.

"Anong kailangan mo? Aga aga pa eh..." Tanong ko at kinusot ko ang mga mata ko.

"Sumama ka sa akin. May nakita akong secret door dun sa likod ng garden!"

Ano?! Talaga?!

Bumangon ako sa hinihigaan ko at pumunta na kami dun sa sinasabi niyang secret door. Sa dalawang linggo ng pamamalagi namin dito ngayon lang namin yun nalaman?

Pumunta kami dun sa secret door na sinasabi niya at hinawi niya yung mga damo na nasa isang pader. Nagulat ako nang nakita kong pintuan nga ito.

"Ayan oh. Gumagala kasi ako dito kanina tapos nakita ko nalang to bigla. Tara pasukin natin..."

Tong lalaking to. Kung ano ano nalang talaga ang nakikita niya dito.

Tinanguan ko siya at pinasok na namin yung pintuan na yun. Namg nakapasok na kami ay nagulat kami nang nakakita kami ng man made waterfalls at meron pang tree house dun sa ibabaw ng puno.

Napanganga ako habang nakatitig sa paligid. Ang ganda namam dito.

"Wow. Bakit ngayon pa natin nalaman na may ganitong klaseng lugar pala dito??"

Lumingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ba siya nag iisip?

"Natural na ngayon lang natin to nakita kasi nga secret to...."

Inirapan ko siya pero hindi nalang niya ako pinansin. Maya maya ay tumingin siya sa akin at nginitian niya ako kaya nagtaka ako. Anong nginiti ngiti niya?

"Pumunta tayo dun sa tree house. Sigurado akong maganda dun..."

Napairap ako pero tinanguan ko nalang din siya. Eh wala pa kasi akong ganang gumalaw galaw ngayon kasi nga bagong gising pa ako. Ang gusto ko sanang gawin ngayon ay bumalik sa pagkakatulog. Yun lang.

"O sige..."

Inakyat na namin yung tree house at nang nasa itaas na kami ay namangha ako dahil sa ganda ng view. Nilinis muna namin yung upuan dahil maalikabok na ito saka kami umupo.

Tahimik lang kaming nakaupo nang may nakita si Kingston ng kung ano dun sa lamesa. Kinuha yun ni Kingston at kumunot ang noo ko.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Lumang cassete to. Siguro dinala to nung mga taong pumunta din dito dati tapos naiwan nila...."

Tumango tango lang naman ako habang nakatingin parin ako dun sa hawak niya. Umupo ulit siya sa tabi ko at sinubukan niyang patugtugin ito pero hindi naman ito gumagana kaya kumunot ang noo niya.

"Paano ba to patugtugin?" Tanong niya habang kinakalikot ito.

"Pindutin mo nalang kung saan saan. Gagana yan sigurado ako...." Sagot ko sabay irap.

"Eh paano kung masira HA?!!"

Pasigaw na tanong niya kaya nilakihan ko siya ng mata. Natakot naman siya kaagad at ginawa nalang niya ang sinabi ko at gumana nga ito. Nilagay niya ito sa tabi namin saka niya ako inakbayan kaya napangiti ako.

Tahimik lang naming pinapakinggan yung kanta habang ini- enjoy namin ang ganda ng paligid. Habang nakikinig ako ay palihim ko siyang tinititigan habang nakapikit pa para maramdaman niya talaga ang kanta. Napangit ako pero pinabayaan ko nalang rin siya sa trip niya.

Patapos na sana yung kanta pero nagtaka ako nang bigla niya itong pinatay. Anong ginagawa niya? Ang ganda na sana nung part na yun eh!

"Hoy bakit mo yu—— Anong ginagawa mo?"

Napalingon ako at nagulat ako nang nakita ko siyang nakatitig sa akin. Agad akong tumingin sa malayo pero agad din niyang hinawakan ang mukha ko saka niya ako hinalikan. Punyeta anong kalechehan to??!!

Sobrang nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko nalang din siya pinigilan. Pinatugtog niya ulit yung cassete habang hindi parin niya ako binibitawan.


____________________________

WHEN ICE DEFROST (LOVE+WAR SERIES #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon