The Tattoo Artist
"Okay na siguro to, Boo?" I heard Lala on my side.
"This is good. Thanks La."
Kumindat sya, tumawa ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng Tattoo shop namin. Kasama ko mga tropa ko pagtatayo nito. Si Lala lang ang nag aayos ng mga gamit sa loob bilang sya lang ang babae sa amin.
"Tangina. Sarap sa pakiram nang may sariling shop!" Pumasok si Rex sa loob.
"Nga pala, Boo. Anong sabi ng Papa mo dito?" Tanong ni Lala.
Umismid ako at naupo sa table.
"Wala naman syang pakialam dito at sariling pera ko ang ginagamit ko dito."
"Hanggang ngayon tamod pa din ang tingin sayo ng tatay mo?" Si Gilbert naman.
"Bakit tamod? Ah! Kasi naisip nya bang sana pinutok ka nalang nya sa kumot?"
"Ayokong pag usapan ang tatay ko, kumukulo lang dugo ko." Sabi ko at pumasok sa loob ng mismong tattoo-an namin.
Naupo ako dun at inayos ko ang mga karayom nang maramdaman ko si Lala.
"Wala akong panahon para kaawaan mo."
"Hindi kasi." Umupo sya sa tabi ko. "Nakita ko nanay mo."
Tinuro ko iyong basurahan sa harap nya. "Pakihanap nung pake ko doon, tinapon ko doon kanina ata."
"Boo,"
"La, sa tingin mo ba may pakialam pa ako sa nanay ko?"
"Sinabi ko lang naman. Nasa presinto sya kagabi."
Pinasok ko sa tenga ko iyon at nilabas sa kabila. Ganun gusto nyang buhay kaya nga tinapon nya ako sa harap ng bahay ni James Michael Lausingco diba?
Ako na iyong naiwan sa shop nang bandang alas sais na. Sinara ko na iyon at kahit ayoko ay nakita ko pa din ang sarili ko sa harapan ng presinto. Sabi ni Lala, sigurado naman daw syang nandoon pa ang nanay ko pero mukhang mali kasi nakalabas na ito. May matandang lalaki ang sumundo sa kanya at sumakay sila sa sasakyan.
Napangisi ako.
Ang galing na tao talaga. Nakita naman nya ako pero parang hangin ah?
Pumihit na ako paalis doon at nagsindi ng yosi. Malalim na iyong gabi pero wala akong pakialam sa paligid ko, gusto ko na nga lang maglagay ng pla-card sa noo ko, "Wala akong pakialam." Iyong nakalagay.
Buong linggo akong abala sa shop namin. Dahil malakas ang hatak ni Rex sa mga tropa ay mabilis na nakilala ang shop namin.
Hindi ko sasabihing santo ako kasi kapag may nag ooffer na bayad ng tattoo ay katawan nila. Pumapatol ako, lalaki lang at magandang babae na iyong lumalapit sa akin, sino ba naman ako para tumanggi sa grasya?
Diretso lang ang tingin ko sa harapan at hawak ang panga ko. Lintek, bad breathe na naman tatay ko sa kompanya nya at malamang sa akin na naman ang diretso dahil nalaman nyang nakipagbasag ulo na naman ako. Tss. Problema ko bang hindi nya napapasaya ang syota nya kaya naghanap ng iba? Tangina nung lalaki.
Napapitlag ako sa malamig na boteng dumikit sa panga ko. Hinarap ko ang tumawang si JM.
"Gago! Ang sakit ha."
"Mukha kang tanga kakagalaw ng panga mo."
Umismid ako at tinungga ang alak.
"Mas tanga pa din iyong tatay mo."
"Tatay natin." Aniya. "Kung tutuusin, mas kamukha mo si Dad. Mas mukha kayong mag ama."
Mapang asar akong ngumisi.
BINABASA MO ANG
Shinubo Lausingco (Super Slow Update)
General FictionAll thoughts of the Bad Thing himself, Shinubo.