The First Love

616 18 8
                                    

The First Love

"Ano yan?"

Mabilis kong tinago ang cellphone ko kay JM. Umiling sya at inabutan ako ng alak.

"Gago, dahan dahan naman."

"Kanina ka pa kasi nakatingin sa cellphone mo. May bago ka na naman?"

"Kailan ba nawalan ng reserba iyan si Shin." Singit ni Ej na sumusubo ng mani.

"Ay! Kupal ka, ikaw pa din pinakaunang naging babaero sa atin, Ej."

Mayabang na ngumisi si Ej sa akin. Binato naman sya ni Pio ng mani.

"Hindi ko naman tinanggi. Pero okay lang, may Sinag naman na ako."

"Ulol ka, matatauhan din iyan si Sinag." This time ako naman ang ngumisi.

Tinapik ako ni Earl. "Baka hindi na. Binilhan na nya ng helmet."

"Anong helmet? Condom?"

"Tangina ni Shin." Sinipa ako ni Zild at tumawa.

"Tangina nyo din. Helmet din ang condom ah."

"Utak mo, madumi." Iling ng kapatid ko.

"Tinanggi ko?" Nilagok ko ang alak habang sabay sabay silang umiling.

"Hindi na ako magugulat kung isang araw may umiyak sa harapan ni Tito James na babae at sinabing nabuntis mo sya." Si Ram.

"Walang ganun. Safe kami ng buddy ko lagi." Tinapik ko pa iyon. "Diba, bud?"

"Shinubo nyo siraulo na."

"Sira na ang ulo ko talaga dahil sa wala pa akong nadidiligan."

Nagulat ako ng sinapak ako ni Ramgiorel bigla. Inambahan ko sya agad. Aba, amputa, hindi ako papatalo kahit bestfriend ko tong kupal na to.

"Ano ba! Punyeta naman, Ram!"

"Tange ka! Nakita namin kayo ni Vexy, kasama mo si Regine. Hayup. Hotel pa."

"Ah. Shit," paungol kong sabi. "Naalala ko na naman."

"Shin! Shin!" Hinila ni Pio ang manggas ko.

"Ano? Lintek naman Piolo!"

"Kailan ka magtitino? Qoute, unqoute, Tito James."

Umismid ako.

"Tigilan nyo na. Huwag nyo na isali si Dad dito." Suway ni JM. Binato nya sa akin ang yosi.

"Yosi lang. Enjoy kayo ha."

Dinampot ko ang lighter at tumayo. Hindi naman ako sa malayo magyoyosi, gago kasi ng mga yun. Sinasama sa usapan iyong tatay kong tangina.

Sa paglalakad ko ay may humila sa akin. Napamura ako.

"Tangina! Bakit?"

"Hayop. Kanina ka pa namin tinatawag."

"Kinig ko ba? Utak naman punyeta."

"Mainit ulo ah."

Sinindihan ko ang yosi at pinasadahan ng tingin ang lamesa kung nasan nandoon si Tan.

"Hi Shin."

Ngumisi at tumango ako doonsa babaeng bumati. Wala eh, gwapo lang.

Kanina pa nga may nagpapapansin sa akin, bilang mabait na nilalang, pinapansin ko naman sila. Oy babae iyon ah.

"Shinubo! Hi!"

Napamura uli ako ng may tumawag na naman sa akin. Leche, pwede naman kasi akong tawagin ng walang paghila. Mga puta talaga.

Shinubo Lausingco (Super Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon