"Santa tell me if you're really there! Don't make me fall inlove again if he won't be here next year"pagsabay ko sa kanta habang nakapalumbaba
"Tanga ka inuuna mo kasi paglandi mo tapos sisisihin mo si santa"pambibwisit sakin ni yuri habang tatawa-tawa pa.
Naiinis na tinignan ko siya at inambahan ng suntok "papansin ka talaga"sabi ko sa kanya na tinawanan niya lang.
"Matuto kasing maghintay" sabi ni hitomi sakin at nilapag ang cellphone niya sa lamesa
"Let me guess. Nagbreak na kayo ni chaewon?" Tanong niya sa akin na nagpasimangot sakin at nagpatawa ng malakas kay yuri.
"Tangina ka talaga iwan ka sana ni yena"naiinis na saad ko kay yuri na tawa parin ng tawa ngayon.
"Anong iiwan? Isang iloveyou ko lang don lusaw na yon"pangaasar niya pa
"Huh asa ka feeling mo naman ang ganda ganda mo"pangaasar ko pabalik dito
"Okay lang atleast may jowa"sabi nito na nagpainis na naman sakin. Magaling talaga to si yuri manira ng araw.
"Alam mo kasi hiichan ang kaibigan mo tinopak na nman. Feeling ata niya masaya magtoyo-toyoan"sabi ni yuri kay hitomi na nagpatawa dito. Pag magkakasama talaga kaming tatlo kawawa ako lagi dito.
"Ginawa ko lang naman yon kasi akala ko lalambingin niya ko at bibilhan ng milktea at fries katulad ng nababasa ko sa facebook"nakapangalumbabang saad ko.
"HAHAHAHAA tangina naniniwala ka don?"tawang tawa ulit na saad ni yuri habang nailing-iling sa akin
"Nagpapaniwala ka sa ganon?"saad ni hitomi sakin na natatawa. Okay. Okay ako na talo.
"Edi ako na tanga"saad ko sa kanila na nagpatawa sa kanilang dalawa.
"Sinabi mo pa"sabay na saad nila sa akin.
~
"Baby alis na kami ha? Iloveyou!" Sabi ni yena at humalik pa sa pisngi ni yuri na nagpairap sakin. Lalandi
"Minju Hitomi. Una na kami"sabi ni yena
"Wag bata ka pa"sabi ko rito na nagpangisi lang sa kaniya napatingjn naman ako sa babaeng naghihintay sa labas kay yena. Matangkad. Maputi. Ang ganda.
"Hoy! Sino yon? Babae ni Yena?"tanong ko kay yuri na abala sa pagseselpon
"Tanga si Yujin yon. Childhood friend niya"sabi nito at nagpatuloy sa paglalaro
"Single yon?"sabi ko dito na nagpatawa sa kanilang dalawa ni hitomi.
"Gago ka maawa ka mas bata sayo yon"sabi nito na nagpatawa naman sakin
"E ano naman?"natatawang saad ko rin dito.
~
"Yujin si Minju and Hitomi mga kaibigan ko"pagpapakilala samin ni yuri habang tinuturo kami."Hi I'm Kim Minju Angel. Single ako"sabi ko dito at nilahad ang kamay sa kanyang harapan.
"Needed talaga Single? Ahn Yujin"saad nito at tinanggap ang kamay ko. Ang lambot. Ang ganda rin ng ngiti. Feeling ko inlove ako.
"Single ka?"sabi ko dito na nagpatawa dito
"Gaga ka!"sabay na sigaw ni yuri at hitomi.
~
A year later
"Tagal mo naman buksan"reklamo ko kay hitomi ng buksan niya ang pintuan ng bahay nila.
"Pasensiya na Maraming ginagawa" sabi nito at kinuha ang mga regalong dala-dala ko.
"Anong ginagawa niyo? Nagluto kayo?"pagtatanong ko rito ng maamoy ko yung masarap na baked mac
"Oo at wag ka na tumulong"sabi nito at bumalik sa kusina
"HAHAHA Bobo"pangaasar sakin ni yuri habang palabas sa kusina na may dala-dalang cake
"Tangina mo. Hoy penge!"sabi ko dito at tumakbo papalapit sa kanya
"Kumuha ka don papansin ka"sabi nito at pilit na nilalayo sakin yung cake
"Hati na tayo eto naman parang di tayo magkaibigan"pangungulit ko dito
"Hindi talaga."sabi nito at umupo na naiinis na tinignan ko siya habang kumakain
"Charot. Oh kumuha ka na bago magbago ang isip ko"sabi nito at nilahad sakin ang cake
"Yieh sabi ko na mahal mo talaga ako"sabi ko dito at kinuha ang plato.
"Leche"sabi nito na ikinatawa ko lang.
"Nasan nga pala jowa mo"sabi ko rito kasi akala ko nandito na sila wala pa pala.
"May pinabili si hiichan sa kanila sa mall kanina pa yon nakaalis. Baka pauwi na yon kasama jowa mo"sabi niya na nagpakilig sakin
"Enebe"kinikilig na saad ko kay yuri na inirapan lang ako.
"Landi mo pasalamat ka pinatulan ka ni yujin at talaga namang nadinig ang panalangin mo"sabi nito na nagpakilig ulit sa akin.
Oo tama kayo ng nababasa. Kami na ni Yujin. Jowa ko siya. Girlfriend as in Shota. HAHAHAHA pagkatapos ko siyang ligawan oo ako nanligaw wag ka na maraming satsat sinagot niya na rin ako at magsisix months na kami ngayong pasko.
Mahal na mahal ko yon kahit na mas malakas topak niya sakin minsan! Huhu lakas niya mangasar pero love ko siya
"Ayan na ata sila" sabi ni yuri ng marinig na may nagdoorbell. Dali-dali akong tumayo at pinagbuksan sila ng pinto.
"Love!"tawag ko kay yujin at kinuha ang iba niyang dala-dala at nilagay yon sa kusina.
Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig para kila yena at yujin
"Wow alagang-alaga"sabi ni yena ng inabutan ko sila ng tubig.
"Ganon talaga baby pagoodshot. Yujin wag ka magalala pwede ka pa magback out"pangaasar na naman ni yuri
"Pag nabasag helmet ko sa ulo"pakikisakay ni yujin pagkatapos uminom ng tubig
"Love!"naiinis na saad ko dito na tinawanan lang ako. Bwisit ka talaga love
"Ang arte mo"pangaalaska naman ni hitomi sakin at umupo sa tabi ko
~
"Merry Christmas!"bati namin sa isa't isa ng pumatak ng alas dose ng gabi.
"Merry christmas mga bakla!"tuwang tuwang sabi ko at niyakap si yuri at hitomi isa isa at sinabunutan
"Tanginamo merry christmas landi"bati ni yuri at sinabunutan din ako
"Merry christmas ha!"sabi ni hitomi at talaga namang sinabunutan din kaming dalawa na nagpakamot lang sa ulo namin. Hiichan talaga.
Dali-dali akong tumakbo papasok sa kwarto kung nasaan si yujin na nagpapahinga at niyakap ko siya habang nakahiga siya
"Love Merry Christmas!"bati ko rito at hinalikan siya sa pisngi
"Merry Christmas love. Iloveyou."bulong nito bago ako hinalikan sa noo at niyakap.
"Santa, tell me if you're really there
Don't make me fall in love again if he won't be here
Next year Santa, tell me if he really cares
'Cause I can't give it all away if he won't be here
Next year" pakikisabay ko sa kanta habang nakayakap pabalik kay yujin."Santa do really exists love."bulong nito sa tenga ko na nagpangiti sakin. Yeah. Santa really cares.
"Hoy kakain na mamaya na kayo maglandian!"