Chapter 1

8 1 0
                                    

Lumen's POV

Mahirap ang buhay, lalo na kapag wala kang pinag aralan. Ni hindi mo alam kung saang lupalop ka hahanap ng pera o pagkain para lang mabuhay kayo.

Hays.

Nakaupo ako ngayon sa buhangin at nakatingin sa dagat. Ang ganda nito. Ang tubig ay para ring kalangitan. Sinipat ko ang dulo ng dagat. Malayo, sobra. Kagaya rin kaya ng pag abot ko sa pangarap ko?

"Lumen, hala pumarine kana at ng makapag tanghalian na. Hala sige, uwi muna anak." rinig kong sigaw ni nanay mula sa aming bahay.

Tumayo ako at pinagpagan ang aking palda. Habang naglalakad papalapit sa aming bahay ay mapait akong napangiti?

Bakit parang ang malas ng buhay kapag sa akin?

Gawa sa kawayan, sira sirang bubong. Halatang pang mahirap na bahay. Sa edad kong bente uno anyos ay hindi ko pa magawang makatulong sa amin. Hanggang kelan ba ganito?

Nakarating na ako sa bahay namin at pumasok ako sa loob at dumiresto sa hapag kainan.

"L-lumen, h-hin-d-di kaba ma-mak-kaka h-hanap ng pa-gk-kakakit-aan?" tanong sa akin ni tatay.

Na stroke sya kaya hirap syang magsalita at naparalisado narin ang katawan nya. Nakahiga lang sya sa isang kawayang upuan at dun na sya pinapakain, pinapaliguan ni nanay.

Bumaling ako sakanya.

"Pasensya kana po tay, pero sinubukan ko hong pumasyal sa kabilang baranggay nung isang araw. Sa palengke ho ako nagbakasali kahit tindera man lang pero hindi ho sila natanggap ng hindi highschool graduate. Ang sabi daw ho ay wala hong lugar ang mangmang sakanila." paliwanag ko.

Hindi na ako nalungkot. Sanay na ako, mahirap lang ang aming bayan dahil malayo ito sa sibilisasyon. Lagi ring sentro ng bagyo kaya naman hindi na magawang makatawid ng kabilang baranggay para sa eskwela.

Maalam naman akong magsulat at magbasa kaya lang ay limitado lang ang alam ko. Dahil nga sa wala kaming kaperahan ay hindi kona nagawang mag aral ng sekondarya. Hanggang grade 6 lang ang natapos ko tapos lagi pa akong liban sa eskwelahan. Kinakailangan pa kasing mamangka para makapunta sa kabilang baranggay, pero laging malakas ang alon kaya hirap makapasok.

Gayunpaman, pinagpapasalamat ko na nakapag aral ako kahit hanggang grade 6 lang. Hindi mo talaga ako maituturing na sobrang mangmang dahil may alam ako sa buhay.

Pinagpatuloy ko ang aking pagkain at pagkatapos ay naghugas na ako ng pinggan.

Nagpaalam ako kay nanay na pupunta ulit ako sa tabing dagat.

Dinala ko ang isang pirasong papel at lapis. Kumuha rin ako ng plywood na pampatigas sa likuran ng papel. At binitbit ko rin ang isang magazine na nasa salas namin.

Umupo ulit ako sa buhangin.

Binuklat ko ang magazine at tumambad sa akin ang mga naglalakihang gusali sa Maynila.

Ang ganda.

Yun na lamang ang nasambit ko. Malaki ang pasasalamat ko sa aking tiyahin. Kahit kapatid nya lang sa labas ang aking ama ay hindi nya kami kinakalimutan. Binibigyan nya kami ng pera kada buwan para sa aming pamumuhay at para sa pang gamot ni tatay.

Si Tiya Amor din ang nagbigay sa akin nitong magazine. Ang sabi nya ay kahit dito manlang, maranasan kong makita ang syudad kung saan sila naninirahan.

Sinimulan kong iguhit sa aking papel ang gusali. Sa tabi nito ay nilagyan ko naman ng dagat.

"Wow, sana nga pwedeng maging isa ang mayaman at mahirap." sambit ko sa kawalan.

HELP: I'M INLOVE WITH THIS PROBINSYANA GIRL (Lovers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon