Chapter 2

7 1 0
                                    

Lumen's POV

"Lumen, lumen. Wake up, nandito na tayo." nagising ako sa isang tapik sa aking pisngi.

Napamulat ako.

"Nandito na tayo Lumen, baba kana." sabi sakin ni Tiya Amor.

Inalis ko ang seatbelt at bumaba na ako.

Napatanga ako sa bahay na nakita ko.

Wow! Ang laki laki ng bahay nila Tiya Amor! Ang sosyal.

Sumunod ako sa loob dahil pumasok narin si tiya.

Hinubad ko ang tsinelas ko at pumasok sa bahay. Mas maganda pala sa loob! Ang gaganda ng gamit!

Nagulat si tiya ng bumaling sakin.

"Oh no, Yaya Maring! Maglabas ka ng isang tsinelas dito! Nandito ang aking pamangkin!" sigaw ni Tiya Amor sa loob ng bahay.

Agad akong nilapitan ng sinasabing Yaya Maring at binigyan ako ng tsinelas. Kinuha rin nya ang aking dalang bag at iniakyat sa sabi'y kwarto ko daw.

"Lumen, make yourself feel at home. Upo ka muna dyan sa sofa. Tawagin ko lang ang pinsan mo." sabi sakin ni Tiya Amor sabay ngiti.

Habang inaayos nya ang isang kahon sa lamesa ay tinawag nya ang pinsan ko.

"Colline! Bumaba ka dito, nandito na ang pinsan mong si Lumen!" sigaw nya sa may hagdan.

Habang iniikot ikot ko ang aking mata sa bahay ay diko maiwasang hindi mamangha. Maraming gamit ang nandito at halata mong puros mahal ang mga ito. Kumpara sa aming bahay na walang kalaman laman.

Pagbaling ko sa hagdan ay bumaba ang isang babaeng naka soot ng maikling maikling short at isang sandong hapit sakanyang katawan. Meron pang nakalagay sa tenga nito at may hawak na cellphone.

"Lumen, eto ang anak ko si Colline. Hindi mo pa sya nakikita diba? Haha btw she's just 16 years old, but look matured in her age! I will just leave you two, magbibihis lang ako." sabi ni tiya sa amin.

"Hi Lumen! I'm Colline, nice meeting you!" sabi nya sabay halik sa aking pisngi.

Napangiti nalang ako, mabait sya.

"Hi, hehe ako si Lumen." sabi ko sakanya pero diko parin maiwasan ang tingin ko sakanyang damit.

"Ay, sorry Lumen. Ganito lang talaga ako pag nasa bahay. Mas presko kasi e haha. Gusto mo din bang mag ganito? Naiinitan kase ako sa suot mong mahabang palda at blouse. You know, marami akong damit bibigyan kita." sabi nya sabay ngiti saken.

"Ah hehe hindi, ayos lang ako. Komportable din ako sa ganito e. Salamat nalang Colline." sagot ko sakanya.

"Hmm, how old are you na Lumen?" tanong nya saken. Umupo sya sa sofa at umupo rin ako.

Naintindihan ko naman ang ingles nya kaya sinagot ko ito.

"21 na ako, ikaw diba dise sais kalang?" sagot ko sakanya.

"Dise sais?" naguguluhan nyang tanong sakin.

"Ah ibig kong sabihin 16." ulit ko sakanya.

"Ah, right! 21 kana so i must call you Ate Lumen? Just Kidding! Kahit 21 kana hindi kita tatawaging ate para hindi mo mafeel na matanda kana. Tsaka ilang taon lang naman agwat mo saken eh haha." sagot nya.

Napatango nalang ako.

"Uhm, btw Lumen. Meron kabang social media accounts? Facebook? Twitter? Ig? I should follow you now." tanong nya saken sabay tingin sa cellphone nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HELP: I'M INLOVE WITH THIS PROBINSYANA GIRL (Lovers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon