Medyo masungit ang panahon ngayon,
di naman gaano ka lakas ang ulan,
sadyang napakalas lang talaga ng kulog at kidlat.
dahil nga maulan, talagang matatagalan pa sa pag dating ang Bus... nang biglang kumulog nang malakas...
"Ahhh... Dyos ka nang kalabaw!" napasigaw ako at napayakap kay Jovan ng mahigpit dahil sa gulat...
"Ahehemmm..."
"Oi ang OA mo naman, kaunting yakap lang naman yon ah!" pasigaw kong sinabi sa kanya
"anong OA? sipon mo oh, tumulo na,
para ka namang bata Khea"
dali-dali kong hinanap ang panyo ko,
but Wala! nahulog siguro yon sa practice kanina! wala akong ibang nagawa kundi tumalikod nalang sa kanya
"oh ito panyo ko, gamitin mo muna"
inabot nya sakin panyo nya, mabilis ko namang hinablot tas ipinunas ko
"di kalang ba mag papasalamat Khea?"
"Para saan? sa panyo? oh ito kunin mo"
dinidiin ko sa mukha nya yung panyo
tas umiilig sya nakakatawa tignan...
bigla nya nalang hinawakan yung kamay ko, sa kaliwa at sa kanan...
"hindi kaba titigil Khea? haha---"
"TOOOOOT" tas dumating na yong bus
ang puso ko, ang bilis tumibok
first time ko makipag face to face kay Jovan na napakalapit....
"diba kayo sasakay?" tanong nong driver
"sasakay po kuya!" sagot ni Jovan tas binitawan nya na ako...
"ikaw Khea? di ka pa ba sasakay?"
"sasakay na...!"