Dahil sa nangyari kanina
sa may bus stop, walang nagkikibuan sa aming dalawa, mahigit isang oras kasi ang byahe lalo na ngayon umuulan at ma traffic pa... dalawang kalye lang kasi pagitan ng bahay namin kaya sabay kaming sumasakay pauwi,
lumipas ang ilang minuto
bigla nalang sumandal ang ulo ni Jovan
sa aking balikat, di ko maigalaw ang aking katawan,di ko alam ang aking gagawin,
Oh My G, ang gwapo talaga ni Jovan
di ko maiwasang titigan sya....
hahawakan ko na sana mukha nya nang bigla syang gumising....
huminto kamay ko, nag isip ako nang paraan para makalusot para wala syang ibang maisip ...
"WATATOGSHHHH!" Sinampal ko nalang sya, nilakasan ko ng kaunti para di sya mag duda...
" ARAY.! Khea 'bat mo ako sinampal? sakit nun ah!" pasigaw nyang sinabi
" Ah, ano kasi, may lamok, kinagat ka, kaya pinatay ko nalang, tas malapit na din naman tayo" wew palusot
"Anong malapit eh malayo-layo pa naman tayo ah!"
"ahh, maulan kasi, akala ko malapit na tayo di ko gaanong maaninag!" muntik na
"ayoko nang matalog baka masampal mo na naman ak----"
"WATATOGSHHHH!""ARAY Khea! kahit ba naman gising ako? sinasaktan mo parin ako? sakit nun Khea!"
reklamo nya sakin
"ito oh , lamok, pinatay ko kisa kagatin ka sa maganda mong mukha"
"sana pinabayaan mo nalang na kagatin ako, mas masakit pa sampal mo kisa sa kagat ng lamok" paiyak nyang sinabo
"may bababa ba sa next bus stop?"
tanong ni kuya driver
"OPO KUYA!" pasigaw nyang sinabi
"oi Jovan ang lakas nang boses mo"
"paki ko, oh ito polo ko gamitin mo yan para di ka mabasa nang ulan" iniwan nya polo nya sa'kin tas agad na syang bumaba...