Rafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Animo ba ay bumagal ang lahat. The scene is too fucking surreal adding some butterflies to the feeling. Nagawa ko pa ngang titigan ang mukha ni Vane kahit na lumulutang kami sa ere.
Fuck. He is gorgeous.
Perpekto na sana ang eksena nang biglang nahila kami ng buhok ni Asrael at dahil doon ay imbes na maganda ang pagkakalapag namin sa barko ay parehas kaming tatlo nina Vane at Himig na napagulong. But at that moment, the ship flew leaving Asrael down on the land. Nakatayo naman agad ako at nagawa kong tingnan ang dismayadong mukha ni Asrael habang pinapanood na lumipad ang barko. Nagtama pa nga ang mga mata namin at nakita ko ang galit doon. Naiwan siya roong nakatayo at walang kakayahang makapasok sa barkong mabilis ang itinaas sa langit.
Thank you for the entertainment, Asrael.
Napangiti ako at umayos na lang ng pagkakatayo nang kumalma na rin ang takbo ng barko. Hinanap ko agad si Himig na ngayon pala ay ginagamot na ni Vane. Inihiga niya ito sa isang mahabang mesa saka tinitingnan.
"His wounds are actually not that bad. Mukha lang delikado nang dahil sa dami ng dugong naubos sa kaniya kanina."
Napahinga ako nang maluwag ng sabihin iyon ni Vane. Sandali itong bumulong-bulong as if he is enchanting a chant like a some kind of sorcery. Dahil doon ay nanood na lang ako.
"He'll be fine after three minutes. I've used a chant for healing. Magsasara na ang sugat at titigil na ang pagdurugo niya."
Bumuntong-hininga ako at saka naupo na nang maayos. Sa wakas ay hindi na ako tumatakbo.
"He is just a servant, right?" tTnong ni Vane na ngayon ay naghahanap ng upuang kaniyang mapapagpahingahan kasabay ang pagmamasid-masid sa kabuuan ng barko. "Bakit mukhang concerned na concerned ka kung mamatay siya? Hindi ba at nakasulat sa mga rules na hawak mo ang buhay nila? That you have the authority to keep them alive or not?"
"I am aware of that. Competitive ako. Ako lang dapat ang papatay sa kaniya kung iyon ang tinutumbok ng tanong mo."
Sumugat ang ngiti sa labi ni Vane. Nakuha niya ang sagot na gusto niyang makuha mula sa akin kaya naman bumalik na ito sa aking harapan. Naupo sa kalapit na upuan at prenteng sumandal doon.
"Ah, nakalimutan kong sabihin. Ang ganda mo."
"Maliit na bagay."
"Single ka?"
Napatawa ako nang mapakla. He is a straight up asshole. Kung si Himig ay straight up fierce, mukhang ibang-iba ang magiging sitwasyon sa kaniya. His looks says it all. Iyong mukhang alam mong mambobola ng babae. Iyong tipo ng mukhang walang gagawing matino.
"Married, actually."
Napa-oh siya saka napaayos ng upo. Nadagdagan ang interes sa kaniyang mukha.
"Talaga? Married? Ang alam ko ay wala pang ikinakasal sa lahat ng mga Pinagpala. Mga magkakasintahan. Marami ngunit sigurado akong wala pang kasal. May alam pa nga akong may anak na e pero sa record talaga, wala talagang married."