40: The Lustful Magic

918 72 0
                                    

Sumalubong sa amin ang napakalakas na ingay ng pinagsama-samang sigawan at tugtugan sa lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sumalubong sa amin ang napakalakas na ingay ng pinagsama-samang sigawan at tugtugan sa lugar. Napakadilim at tanging malamlam at papatay-patay na kulay pula, asul, at puti ang napapalit-palit sa bulwagan. I am seeing a club in front of me. A real one.

"Paano natin mahahanap ang ikalawang agent mo dito, Klara?" Sumigaw si Valerie sa may tainga ko upang marinig ko ang kaniyang sasabihin. "This is a gigantic club! Right now, we are like ants in the middle of a ground!"

"H-ha?"

"Mas malaki ang lugar na ito kaysa sa mansion! It's like a non-stop and non-ending night club!"

Napatabon ako nang bahagya sa aking tainga. Pumikit pa upang magtimpi sa sitwasyon. Naiingayan ako nang sobra at hindi ko ito nagugustuhan. Isa pa ay maya't maya ang pagkakabangga sa akin ng mga dumadaan at sumisiksik sa amin. I even punched two guys just now that almost laid their hands on me. Nakita ko ang kanilang pagkangiwi at nang susubukan ng mga ito ang bawian ako ay agad na kumilos sina Valerie. She infused something that made those men lose their consciousness. Ni hindi naman iyon napansin ng mga nakapaligid lalong-lalo na at abalang-abala ang mga ito sa kani-kanilang mga ginagawa.

"Kailangan nating maghiwa-hiwalay para mahanap ang isa pa!" Muli ay si Valerie. "It would take us days to find her if we'll go in group!"

Patuloy ang sigawan at malakas na tugtugan. Bumuntong-hininga ako at pinasadahan ng mainam na tingin ang paligid. All the people I find and have a look at are gorgeous. Tama nga si Valerie roon. This is a gorgeous view lalong-lalo na at halos silang lahat ay kakaunti at maiiksi ang suot. May mangilan-ngilang wala nang saplot maliban sa maliit na tela sa kanilang pang-ibabang katawan at mahabang buhok sa dibdib. The music being played despite being at its loudest is enticing. Para bang hinahaluan ito ng mahika. Sa tantiya ko rin ay nakakapagpadagdag ito ng mood ng mga nakakarinig sapagkat kahit ako ay nakakaramdam ng kakaibang init. Hindi ko iyon maitatanggi.

"How can we find the door back to the mansion?" Si Vintage na naghuhumiyaw na rin kahit na dikit na dikit na ang labi sa may tainga ni Valerie. "Magha-hide and seek ba tayo?"

"No! The portal knew why we came here and what we want from here kaya kapag alam na nitong nakuha na natin ang ating gusto, it will suck us back to the mansion itself!"

"Ah, okay!"

Habang nag-uusap sila ay namalayan ko ang pagyakap sa akin ni Himig. Mabilis at biglaan bago ko narinig ang kaniyang pagsasalita na pasigaw rin.

"I am sorry, Klara. I have to do this so that they won't be able to touch your private parts!"

"I know! Huwag kang bibitaw sa akin dahil baka mawala ka! You'll be killed instantly! I can sense a lot of powers and strength around!"

Nagkaintindihan naman kami ni Himig. Nang tingnan ko ang kinatatayuan nina Valerie at Vintage ay wala na sila roon. Mukhang umalis sila nang walang paalam sa akin kahit wala pa ang aking go signal. Hindi ko naman na iyon ginawang big deal sapagkat ganoon rin naman ang gagawin talaga nila dapat.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon