23: The Souls Met

1K 77 17
                                    

I am lost for words so as the three men I am with

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I am lost for words so as the three men I am with. Literal na nahahati ang isang napakalawak na modernong syudad sa dalawang parte. Ang isang parte ay nasisinagan ng tirik na tirik na araw at ang kabila ay nasisinagan naman ng bilog na bilog na buwan.

Hindi ako makahuma. Ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kagandang tanawin na masasabi talagang hindi pangkaraniwan. And what's even more fascinating is the color of the moon. It's pale red. One of a kind. A phenomenal color in which shines on half of the city.

"This is insane." Si Vane na napapailing pa. "Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagadang mundo."

"We have a lot of those comments from our guests." Natatawa ang matandang babae sa amin habang tinitingnan ang aming mga reaksyon. Mayamaya pa ay muli kaming nilingon.

"This is the upper part of the village where the lunar healers resides." Sambit nito at itinuro ang bahagi kung saan sumisikat ang buwan bago ituro ang kalahati pa. "And where the solar healer resides."

"Wait, ibig sabihin ay may lower part pa ang islang ito?"

Ngumiti ang matanda nang makahulugan saka marahang yumukod sa amin. Imbes na sagutin ang eksaktong tanong ni Vane ay sa akin nito ipinukol ang atensyon.

"Matagal ka ng hinihintay ng kataas-taasang Primo, Klara Delos Sinne."

She knows me.

"Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ika'y mapadpad sa aming teritoryo. Malamang ay matutuwa siya sa pagbisita mo." Makahulugan na naman niyang sambit.

Napakunot naman ang noo. This old lady keeps on smiling at me as if she knows me. At habang ginagawa niya iyon ay nagkaroon ako ng tyansang titigan ang kabuuan niya. She is wearing the same texture and color of dress my agent is wearing. Hindi ako puwedeng magkamali roon. Parehong-pareho ngunit magkaiba lamang ang tabas.

"Halina kayo." Aya niya.

"Wait," Si Himig. "Hindi ba kayo nagtataka kung bakit pinapasok niya tayo nang matiwasay-"

"We are not witches, iho. We are healers." Putol ng matanda sa sasabihin sana ni Himig na naging dahilan ng pagtahimik niya. "Siya nga pala, ako si Primo Leyansi Amadora. Isa ako sa mga primong gumagamit ng fire healing. Ang ibig sabihin ay hindi ako sa parte ng islang ito nakatira. Nagkataon lamang na ako ang bantay sa lagusan."

Tumango na lang ako. Sa paglakad niya ay wala na kaming naging reklamo pa at sumunod na lang sa kaniya. Kung may langaw siguro rito ay matagal nang napasukan ang bunganga ko. This is the largest modernized city I have ever seen and probably the most amazing. Ang isang building ay mas malaki pa sa aming kaharian sa Necrostate noon. Wala ring binatbat ang mga border house sa kahit aling building dito.

Sa paglalakad ay iginiya kami ni Primo Leyansi sa parte kung saan sumisikat ang araw. To my surprise, it is colder than I have expected. Ang sinag ng araw na dumadampi sa balat ko ay animo ba ay walang epekto at hindi rin lang pala ako ang nakapansin. Even Himig is vocal about it.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon