| 09 | Three Steps On How To Open The Damn Door

21 2 0
                                    

A/N: Now, I'm done with the summative test and I'll be focusing on writing this freak'in story!

Also, you can skip this chapter kasi walang laman, haha! Pero kung gusto nyong basahin edi go! Para wala kayong ma missed na pangyayari, right?

( Sorry for the late update!)

Enjoy reading!

****

Somehow, everything is back to normal even though they all know that the serpent is still eyeing them. The government moved on from what happened to their president as they finally opened the vault where the government's money was kept in.

Nagpapasalamat sila dahil dumating ang isa sa mga nagpakilala bilang grupo which is called the SAE. Hindi man nila alam kung sino ang mga ito, nagpapasalamat parin sila dahil kung hindi ito dumating sa oras na silang nahirapan, wala na ata silang magagawa ngayon.

Kaya ang ginawa nila, binigyan nila ito ng pabuya at inalok upang makipagsanib pwersa which the SAE declined. The government didn't know why but they just shrugged it off and focuses on the current situation.

As for Bianca, she is now in a dark room inside the school. Napag-isipan nyang bumalik dito dahil sa isang dahilan -upang masagot ang mga tanong na bumabagabag sakanya simula pa noong araw na nangari ito.

Until now, she couldn't believe on what happened and she's more confused when she remembered about the first time she met those people who called themselves as a hero. Bakit nga ba nila tinatawag ang sarili nila bilang mga bayani, kung hindi naman nila masosolusyunan ang sitwasyon kung saan maraming mamatay?

Napatawa ng mahina si Bianca, mabuti nalang at simula't sapul ay hindi sya nagtiwala sa mga ito. Hindi nya alam kung bakit pero ito ang sinasabi ng instinct nya.

Kanina nang makarating sya sa loob ng eskwelahan, halos magsuka sya dahil sa mga bangkay na sa ringin nyang mag iisang buwan nang nakatambak doon. Halos lahat ng mga bangkay na kanyang nakita ay kilala nya ngunit ang iba ay hindi.

Isa sa mga bangkay na nakita nya ay ang kanyang paboritong guro sa Mathematics. Nakakalungkot isipin na sa araw kung saan dapat sila'y magsasaya, ganito pala ang kinahahantungan.

Napapikit ng mariin si Bianca, pilit nyang iniwawaglit sa isip ang imaheng kanyang nakita. Kasalanan nya 'to, kung bakit ba kasi hindi nya ipinagsabi sakanyang magulang o sa gobyerno mismo ang kanyang nakita sa kanyang panaginip?

Napailing na lamang sya, hindi nya kasalanan ito dahil kapag sinabi nya ang kanyang mga nakikita ay sigurado syang pagtatawanan lamang sya ng mga ito. Sino ba naman kasi ang maniniwala na nananaginip sya na mayroong higanteng ahas ang sasalakay sa kanilang bansa? Wala, walang maniniwala sakanya. Ganoon kakikitid ang mga utak ng mga tao ngayon.

Imbes na patuloy na isipin iyon, nagpatuloy na lamang sya sa paghahanap ng mga impormasyon. Naalala nya na may ipinapagawa pala sakanya ang misteryosong lalaking lagi nalang syang ipinapahamak. Minsan ay napapaisip sya, kaaway ba ito o kakampi? Yan ang hindi nya nasasagot.

Nakakaramdam man sya ng panganib patungkol sa lalaking 'yun, hindi nya maiwasang mas lumapit pa dito. Madami syang katanungan na alam nyang tanging ang lalaki lamang ang nakakaalam. Paano ba namang hindi nito malalaman ang lahat kung pati ang tungkol sa pagiging ampon nya ay nalaman nito?

Nagtaka sya nang sinabi sakanya o iniutos sakanya ng lalaking 'yun na pumunta sa eskwelahang ito. Ang mas nakakagulat pa ay dito daw nya makikita ang mga sagot sa mga katanungan nya!

Nanlumo sya nang nakalimutan nya ang mga sinabi nito sakanya kaya pilit nyang ibinalik ang pangyayari sa kanyang isipan.

'Hello?'

Poisonous VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon