| 02 | Unknown

34 4 29
                                    

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ko ang bulong na iyon kaya napapikit ako sa takot na baka kung sino ang makikita ko. Hindi ko na naramdaman ang hininga nya kaya nagmulat ako ng mata.

Ngunit sa pagmulat ko ay wala akong makita, sino ang taong iyon? Bakit bigla nalang syang nawala? Ang bilis naman nyang umalis!

Tinignan ko ulit ang laboratory dahil nagbabakasakali akong nandoon yung stranger na yun. Pero wala, wala akong makita maliban sa isang..... Keychain? Kanino kaya 'to?

Total wala namang may-ari dito at maganda naman, i guess I'll keep it. Nagkibit-balikat nalang ako bago pumunta ulit kay mama, baka kasi hinahanap na' ko nun.

Nakita ko naman si mommy na may kausap kaya tinignan ko kung sino iyon, sya na ba si Dr. Cairo? Mukha kasi syang bata, parang kaedad ko lang. Nagtungo ako sa tabi ni mommy para umupo, narinig ko kasi silang pinag-uusapan ang sakit ko daw.

Duh, wala nga kasi akong sakit! Gusto ko yang sabihin at ipamukha sakanila pero hindi pwede dahil ayaw kong malaman nila. Baka kasi mas malala yung gagawin nila sa akin once i told them about it so, i won't risk anything.

"So, you're suspecting that your daughter have insomnia, right?" rinig kong tanong ng doctor matapos kong umupo sa tabi ni mommy. Napataas naman ang kilay ko dahil sa tono nya, para kasing natatawa sya? Basta, di'ko ma-explain.

Tumango-tango pa si mommy bago ako sulyapan at yun din ang ginawa sakin ng doctor. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi nya pa ako binibitawan ng tingin. Nakita ko pa ang pag-ngisi nya saka ibinaling muli ang tingin kay mommy.

"Maybe she have a problem that's why she doesn't go to sleep, perhaps is she brokenhearted?" tanong ng doctor. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Duh! No boyfriend since birth to! I mean, meron akong mga boyfriends but hindi ko sila sineseryoso, they're just my playmates.

Sinamaan ko lang ng tingin ang bwisit na doctor na'to."What? I'm not a brokenhearted woman, like duh!" saka ko sya inirapan ng patago dahil nga good girl ako kapag nandyan lang si mommy. Obviously, pakitang tao ako.

Tumawa lang si doc. Kaya nadamay din si mommy sa pagtawa, huh? Anong nakakatawa doon sa sinabi ko? Totoo naman ah! Well, slight lang yung part na nagsinungaling ako.

"Oo nga naman doc. Hindi ko pa nakita si Emerald na may kasamang lalaki, but of course i only saw her with one man," natatawang sambit ni mommy. Huh? Kailan nya pa ako nakitang may kasamang lalaki? Sa pagkakatanda ko kasi wala talaga akong pinapakilala sakanila kahit isang lalaki, except for my only suitor.

"Mom? What are you talking about? I don't even know who that man is!" pagtatanggi ko. Totoo naman ah! Pero bakit ba napunta dito ang usapan? Hmp, kasalan to ng doctor na'to!

"Silly, that man is the one who drive you home when you're drunk! Remember? When you celebrate your birthday in a bar?" pilit nya pang ipinapaalala sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong matandaang naghatid sakin. But what if that's-

"Back to the topic maam, i noticed that she really don't have any symptoms for insomnia base on how she talks," sa wakas at nagsalita na ang bwisit na doctor na'to.

"Is that it?" then my mom sigh. Mukhang kakailanganin kong magpasalamat dito sa doktor na'to, wala lang trip kong magpasalamat bakit ba?

"I guess we need to leave, thank you so much, Mr. Granger," pagpapasalamat ni mommy sa walang silbing doctor na'to bago tumayo. Ngumiti lamang ang gago kaya palihim ko syang tinaasan ng kilay. "It's a pleasure to meet you Mrs. Heiden and ofcourse, your daughter Ms. Heiden," nakangiting wika nito.

Sumunod naman ako kay mommy matapos nyang makaipag-handshake sa maduming kamay ng doktor na'yon. Paglabas namin ni mommy ay mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil kanina pa ako nakakaramdam ng masama sa opisinang 'yon.

Poisonous VenomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon