UNIVERSIDAD DE HECHICERIAM DE FILIPINAS AND THE MYSTERY OF THE HAT OF THE FROST QUEEN
CHAPTER I: UNIVERSIDAD DE HECHICERIAM DE FILIPINAS.
(Third Person's Point of View)
Taong 1910 pagkatapos makalaya ng mga pilipino sa mga banyagang kastila, may anim na salamangkero ang nag sama-sama, ang kilalang salamangkera na tagapangala ng setro ng Bulan at Adlaw si Luna Rapisora, isang magandang babae mistisa, makikita ang kaniyang kulay pilak na mahabang buhok, at kaniyang mga matang kulay bughaw, matangos ang ilong na mukhang nalahian ng mga banyagang kastila, makikita rin sa kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang hinlalaki ang simbolo ng araw na may walong sinag, at sa kaliwa naman ang simbolo ng buwan na kung saan ang kaniyang disenyo ay umaayon sa itsura ng buwan sa kalangitan. Si Narciso Flores, si Narciso ay salamangkero na dalubhasa sa paggamit sa mga halaman, kaya niyang utusan ang mga halaman, isa s'yang tipikal na Pilipino 5'2 lang ang kaniyang tangkad, kayumangi at, makikita mo rin sa kanya ang pango na ilong, kakaiba ang kulay ng kanyang buhok, dahil sa pagkaluntian nito, si Vermillion De Leon naman ay isang salamankerong bihasa sa pag gamit ng kapangyarihan ng apoy, makikita mo ang kanyang kulay pulang buhok na bumabagay sa mistiso niyang kutis, ang peklat naman ng paso sa kanyang kanang braso ay kapansin-pansin dahil sa hugis nitong leyon, at ang kanyang makapal na kilay na bumabagay sa nanlilisik nitong mga mata na maiihalintulad sa isang makisig na leyon. Sumunod naman si Marino Aguila, dalubhasa sa pag gamit ng mahika ng tubig, kilala rin sa bansag na "Ang Mulawin ng Karagatan", dahil kaya niyang gawing kalasag ang tubig na maiihalintulad sa kalsag ng isang mulawin. Makikita kay Marino ang kaniyang matikas na tindig na parang isang magiting na Haribon, ang kaniyang mga mata na tila ba mata ng isang haribon, gayundin ang kanyang buhok na naayos na tulad ng sa isang haribon, kulay asul na parang kalangitan na tumama sa salamin ng karagatan. Si Sulidad Kapalaran, ay isang salamangkera ng dibinasyon, nakikita nya ang hinarap at ang nakaraan, ginagamit ni Sulidad ang kaniyang mahiwag bolang kristal, at ang mga tala sa kalangitan upang mahulaan ang kapalaran ng isang nilalang, may kakayahan din siyang utuhan ang liwanag ng mga tala sa kalangitan bilang pang-upensa at depensa sa kanyang sarili, kaya rin niyang paghilumin ang mga sugat sa pamamagitan nito, makikita ang kulot nyang buhok, ang kaniyang mga salamin sa mata, at ang kaniyang kasuotan na pang babaylan, maroon siyang mahabang sutana, at salokbong sa ulo, makikita mo rin na hawak-hawak niya ang kaniyang bolang kristal, at higit sa lahat ang kanyang kuwintas na mayroon desenyo ng tala bilang palawit. At ang huli sa mga salamangkero ang tinaguriang Rayna ng Yelo si Karidad Manalo, isa siyang salamangkero na kayang gamitin ang lahat ng elemento, higit sa lahat kaya din niyang magpalit-palit ng kasarian depende sa kaniyng elementong ginagamit, kilala siya sa pag-gamit ng kapangyarihan ng yelo, makikita sa kaniya ang kaniyang patusok na saklob sa ulo na maiihalintulad sa saklob sa ulo ng mga kanluraning salamangkero, makikita rin ang kaniya kulay nagyeyelong bughaw na kimono na ipinagawa pa nya mula sa mga mangangalakal na Hapon, siya ay may itim na mga buhok, bilugan ang kaniyang mata at, makikita rin ang kaniyang katamtamang kulay ng balat dahil sa temperatura ng kaniyang madalas gamiting kapangyarihan, isa pa rito ang malalantik niyang mga pilik, siya ay isang napakagandang salamangkera na minsan na siyang sinamba bilang bathaluman ng yelo.
Isang araw sinakatuparan ang anim na salamangkero na itayo ang isang paaralan, para sa mga may dugong salamangkero, ito ang Universidad de Hechiceriam, de Filipinas. Na matatagpuan sa isang sulok sa Bundok Banahaw sa probinsya ng Quezon.
Ang lagusan patungo rito ay nasa isang puno sa ibaba ng Bundok Banahaw at mga salamangkero at ermitanyo lamang ang nakakatuntun rito.
Isang malawak na paaralan ang Universided de Hechiceriam, mayroong anim na matatayog na gusali na makikita rito, kada-isa ay sumisimbolo sa sumusunod ng bahay,
Ang bahay ng Kinang ng eklipse: Zoro (Later on shall be called the Shinning Fox Eclipse), ang nakakapasok sa bahay ng Zoro ay ang mga salamangkerong masayahin, mahilig tumawa, magagaling makisama at likas na mapagbigay.
BINABASA MO ANG
UNIVERSIDAD DE HECHICERIAM : THE MYSTERY OF THE HAT OF THE FROST QUEEN
FantasyIsang malawak na pa-aaralan ang Universided de Hechiceriam, may anim na matatayog na gusali ang makikita rito, kada-isa ay sumisimbolo sa sumusunod ng bahay, Ang bahay ng Kinang ng eklipse: Zoro (Shinning Fox Eclipse) , ang nakakapasok sa bahay ng...