Chasing Five

75 3 0
                                    

I'm so sorry for super duper late upload, my mind keeps messing up lately huhu but I'm trying to write. Also there's power interruption here because of the typhoon Rolly and Ulysses and I can't upload because I'm waiting for our internet haha, so sorrymasen!🙇‍♀️

Enjoy reading!!! :)

Panglima

I sighed tremendously and gritted my teeth. I look around with my sharp gazes. I have never, ever been this mad to my classmates. Ngayon pa lang ata. Naiinis ako sa mga boses at halakhakan nila. Lalo na ang mga matitinis na boses ng mga kaklase kong babae, ang aarte, ang iingay. Hindi ba sila magreview man lang kahit kunti? Tapos 'pag bumagsak, iyak.

I am annoyed and bothered, juicemother of earth.

Kinalma ko ang sarili ko at nilagay ang aking dalawang kamay sa magkabilang tenga. Pinagpatuloy ko ang pagmememorize at pagbabasa para sa susunod kong subject. We have a test later sa aming subject and I didn't review last night, biglaan ba naman.

Gabi na rin kasi noong inannounce sa aming group chat na may long test pala at kakabasa ko pa lang kaninang umaga pagkagising ko, taena umagang kay ganda na sana kaso sinira ng walang'yang long test. At gabi ba namang iannounce, eh nagd'daydreaminh ako nun e!! I got panicked at nagcram kaya heto ako ngayon, nanggigigil sa mga kaklase ko.

Kahit na mukha akong tamad na magaral, may pangarap pa rin ako sa buhay. Si Ivan.

Speakinf of Ivan. Si Ivan ang dahilan ng lahat ng ito, ginulo ba naman ang aking sleeping time! Bwiset ka! Kailangan mong managot!

Pero napangiti rin nang maalala ang kahapon. He drived me home! Shemayyyy! Maraming lalaki ang humahatid sa akin noon pero ibang iba 'pag kay Ivan hehe. Keleg.

Sinampal ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

“Focus Hurrie, mamaya na yan, makikita mo mamaya si Ivan kalma” Sabi ko sa sarili ko. Tumahimik ako at binalikan ang sinabi ko at napangiti muli. Makikita ko mamaya si Ivan! Pupuntahan ko siya mamaya! Eek!
Ahjkgfkvcfriljkkikijgkix!!

Kumagat labi ako at napatakip sa bibig. Makikita ko mamaya si Ivan hehe. Kukulitin ko na naman siya mamaya hehe.

“Aray!!”

Mabilis akong lumingon sa may ari ng kamay na humampas sa aking balikat. Hawak hawak ang aking balikat na hinampas ay binalingan ko ng tingin si Collette na nakapamaywang sa aking gilid habang nakatingin sa akin.

“Gago ka ba? Bakit mo 'ko hinampas!” Sigaw ko sa kanya. Ang sakit! Parang kamay ng lalaki ang kamay ni Kulet sa lakas ng pagkahampas. Minsan gusto kong magpax-ray at baka may bali na sa mga buto ko.

“Alam kong tanga at baliw ka pero 'wag mo namang iliteral.” Umupo siya sa tabi ko. Nilapag nya sa kanyang desk ang kanyang bag.

“Ikaw ata ang baliw, nanghahampas na lang bigla!” iritado kong sabi at sinamaan siya ng tingin.

“Nagmumukha ka na kasing aso sa sobrang lapad ng ngisi mo, nakadrugs ka ba?”

“Pakialam mo ba! Nakakasira ka ng araw!”

“Sus ibabad ko yang mata mo sa mukha ni Ivan, tignan natin.”

Ngumuso ako.

“Kahit papuntahin mo pa dito si Chris Hemsworth, hindi mabubuo araw ko!”
Bumelat sya sa akin.

“Oh talaga ba Hurrie? Neknek mo.”

Inikutan ko sya ng mata. Naramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Binuksan ko iyon at nakita ang message ni Maria.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now