Chasing Eight

67 4 0
                                    

This is just a short update.

Enjoy reading!!<3

Pangwalo

Pabagsak kong isinara ang pinto ng kanyang sasakyan. Pinagkrus ko ang aking braso at tumingin sa harap. Isang bukas na cafe. Sa tingin ko ay hindi rin ito nagsasarado katulad ng pinagtatrabahuhan ko, dahil hanggang ngayong gabi ay bukas pa rin ito. Sa labas ay nakapaskil ang pangalan ng shop sa itaas. May ilaw pa ang bawat letra ng pangalan upang makita.

Mula dito ay kita ang loob ng shop. Dim lang ang ilaw, kulay yellow. May iilang costumer rin akong nakikita sa loob. Ang ilan ay mga estudyanteng nagpapalipas ng oras sa loob niyon. Alam ko dahil mga nakauniporme pa ito.

Tumingala ako. Nakita ko ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan. Gabi na. Isang oras rin kami bumyahe at hindi ko alam kung saang lupalop kami nakarating. Akala ko ako na si Dora sa pagexplore ko sa bawat lugar-tapos si Kian yung unggoy-pero di pa rin pala qualified kasi meron pa palang natatagong lugar na hindi ko pa naiexplore, katulad na lang dito.

Kung di ko lang siguro kilala 'tong kasama ko, magiisip na akong kidnapper 'to. Pero okay lang naman kung si Ivan ang kidnapper, gusto niya kusa pa akong sasama.

I breathed in and out and close my eyes. Hmm, this is nice. I love the cool air here. Hindi polluted at presko sa paghinga. I can also feel the wind enough for me to feel my hair blowing and slapping my face. A gentle, 
almost silent rustling of leaves can be 
heard in the distance.

Narinig kong sumarado ang kabilang pintuan. Tumayo ako nang matuwid. Okay. Now, stop acting like you're in a drama movie. Mukha kang tanga.

Tumikhim ako.

Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ko siyang tumabi sa akin. Nagwala na naman ang dibdib ko.

“Let's go.” tukoy niya sa shop. Inirapan ko siya.

“'yoko nga.” pakipot pa.

“Why?”

“'la akong pera.”

“Treat ko.”

“Ayoko.”

“Why?”

Itinagilid ko ang ulo ko upang samaan siya ng tingin pero binalik din naman agad sa dating posisyon. Makatingin naman 'tong si kuya. Ehe.

Itinaas niya ang kanyang kilay. I turn my sungit mode.

“Paulit-ulit ka naman!” singhal ko sa kanya.

“What? Paulit-ulit ka rin naman ah.”
Inismiran ko siya pagkatapos ay iniwas ang aking paningin.

“Basta ayoko. Dito lang ako.” masungit kong sabi.

“Bakit nga?” Inip niyang tanong. Naiirita kong inayos ang aking buhok na nililipad ng hangin sa gilid ng aking tenga.

Nakakainis naman 'to! Kailan pa ba 'to naging makulit!

“Kalaban namin 'yan!” tinuro ko pa ang aking harapan pagkatapos ay tinignan siya. Kahit saang mang lupalop basta coffee shop ay kalaban namin, di pwede yon kailangan ko ring ipaglaban ang shop namin, kahit mas maganda dito. Tumingin rin siya doon at ibinalik muli ang tingin sa akin.

He look so amused. Tinusok niya ang kanyang bibig sa loob gamit ang kanyang dila. Pilit niya ring inaalis ang ngiti sa kanyang labi habang inaayos niya ang kanyang salamin.

Inirapan ko siya kasabay ng pagtambol ng aking dibdib. Gwapo.

“Ano na lang gusto mo?”

Tinaas ko ang aking kilay at nagisip. Hmm, food is overrated, pwede bang ikaw?

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now