CHAPTER 02

560 30 2
                                    

CHAPTER 02: Byahe

-----------------------------------------------------------

Aleighya's POV

"Lolo makeup! Makeup na!" Paggising ko kay lolo Antonio kasabay ng mahinang pagyugyog.

'Hay kailangan ko pa tuloy magpractice ng ingles dahil baka biglaang mapasabak akez!'

"Apo, masyado pang mahaba ang araw. Matulog ka muna at mahaba haba rin ang babyahiin natin mamaya" ani ni lolo habang nakatalikod pa rin sa akin at nananatiling nakahiga sa aming papag.

"Eh lolo! Alam niyo naman pong naeexcite akong bumyahe diba?" ani ko habang pilit pinahaharap sa akin si lolo.

'Ang tamad ni lolo! Huhuhu'

TT_TT

Bigla na lamang humarap ng kusa sa akin si lolo at tumayo na mula sa pagkakahiga sa aming papag.

"Osya sige, ako ay magaasikaso na at napakulit mong bata ka. Magandang Umaga nga pala"

Agad namang sumulyap ang pagkatamis tamis kong mga ngiti dahil sa sinabi ni lolo. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo sa aming papag at sumunod kay lolo na malapit na sa aming kusina at inakbayan ito.

"Magandang Umaga din lo! Pero mas maganda pa din ang apo niyo, at ako yon hihi!"

^_^

'Excited na akong bumyahe mamaya!'

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kagalakan habang nakain kami ng umagahan. Nasabihan pa tuloy akong baliw ni lolo dahil nangiti ngiti daw ako mag isa, hmp!

Pagkatapos namin mag agahan ay pinauna ko na si lolo maligo habang ako naman ay chineck ang mga gamit na aking dadalahin sa maynila kung may kulang pa ba sa mga ito. Nang matapos si lolo ay agad akong dumiretso sa banyo at mabilisang naligo.

'Kasi nga excited ako wokei?!'

Dala ko na ang aking susuotin sa banyo kaya sinuot ko na lang ito. Damit na puti at paldang lagpas tuhod  ang aking napili dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng maiiksi tuwing aalis ng bahay.

Inayos ko na rin ang aking sarili at nagpulbo at pabango na sinimot ko pa upang magmukha naman akong presentable kahit papaano. Pagkatapos kong magasikaso ay dumiretso ako sa aming kahoy na sopa at umupo rito, kinuha ko na rin ang mga suman kong bagong gawa lamang at nilagay sa dala kong bag upang ipasalubong sa aking tatay pati na rin sa boss niya kasi mabait siya hehehe.

At dahil nga excited ako, pagkatapos kong ayusin ang aking mga dadalhin na suman ay pinuntahan ko ang kinaroroonan ni lolo upang tulungan naman siya sa kaniyang mga dadalahin upang mas mabilis itong matapos. Binuksan ko na ang pinto ng kaniyang kwarto at nakita kong nakaupo siya sa kaniyang papag at inaayos ang kaniyang mga gamit. Ngunit may bagay na nakapukaw sa aking atensyon.

'Teka lang! bakit may dalang armas at nagtutulisang kutsilyo si lolo?!!'

Agad na kumunot ang noo ko sa aking nakita at nanglaki naman ang mata ni lolo ng makitang nakadungaw na ako sa pintuan ng kaniyang kwarto. Agad naman niyang sinara ang mga pinaglalagyan ng mga armas at nagtutulisang kutsilyo.

"Lolo bakit ka po may dalang ganyan!?" agad na ani ko matapos maitago ni lolo ang mga ito na akala mo'y hindi ko pa nakita.

'Sige kunyare na lang bulag si aqwouh lo. Meganon!? Tsaka itatago kung kelan nakita na?!'

Extraordinary Yaya ( ON-GOING )Where stories live. Discover now