[ Chapter 13 ] : Fierra Hates Pera!

175 15 0
                                    

Nakarating na kami sa location na natrack ko at ang tumambad sa'min ay isang squatters area. Napanganga ako sa nakita ko. Trying to digest na may gan'to palang parte sa Pilipinas. It was way too miserable kaysa sa naimagine ko. The smell was totally awful, the kids are all dirty and rugged. Yung paligid, parang pugad ng daga, ipis at lamok.

Nagkatinginan kami ni Andrei. Mukhang pareho naming first time pa nakapunta sa ganitong lugar. Hindi ako nandidiri, I just felt sorry sa mga taong nandito. Ano ba kasi ang ginagawa ng gobyerno? Kawawa talaga sila but first things first. Kailangan naming hanapin si mamang holdaper. Naglakad kami papasok sa isang eskinita and there we saw him. Nag-iigib ng tubig.

"A-anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong niya sa amin. The scenery around me is breaking my heart. Nag-aalangan akong ngumiti. "Pasok muna kayo sa bahay." Pag-iimbita ni mamang holdaper sa'min. "Pagpasensiyahan niyo na'tong lugar namin." Nang makapasok na kami, nakita namin ang kalagayan nina manong. It was really making me cry. 

Nalaman kong Mario pala ang pangalan ni manong. Patay na ang asawa niya kaya siya na lang ang bumubuhay sa lima nilang anak. Dalawang  binata na pero first year highschool pa, isang grade 3 at yung dalawa ay hindi pa nag-aaral. Pero kahit ganon ang sitwasyon nila, I can still sense the happiness between their bond.

"Ba't nga pala kayo naparito? Bihira lang sa mga mayayaman ang makakayang pumunta rito." Tanong ni Mang Marion. Ngumiti ako.

"May dala po kaming mga regalo para sainyo." Tiningnan ko si Andrei. Tumango naman siya at lumabas para kunin ang pinamimili namin. Hinawakan ko ang kamay ni Mang Mario. "Gusto ko po kayong tulungan. Siguro nga ay tadhana na ang gumawa ng paraan para makapunta ako rito at para matulungan ko kayo." Patuloy ko.

"Hindi niyo naman kailangang gawin 'to Ako nga ang may utang sa'yo kasi hinoldap kita kahit na masama yun. Patawarin mo ako." Paghihingi ng tawad ni Mang Mario habang umiiyak. Naiiyak na rin ako pero pinigilan ko.

"Wala yun Mang Mario." Naipasok na ni Andrei ang mga pinamimili namin. Tuwang tuwa naman ang mga anak ni Mang Mario lalo na mismo si Manong.

"Mga anak, ano ang dapat niyong sabihin?" Tanong ni Mang Mario sa mga anak niya.

"Maraming salamat po." Sabi nila at isa-isa nila kaming niyakap ni Andrei. Yumakap din ako. We stayed there for a while.

~*~*~*~*~*~

Nagulat ako nang magsorry si Andrei at sabihing sagot na niya daw ang pag-aaral ng limang anak ni Mang Mario. Lalo tuloy napaiyak si Mang Mario. Alas-otso na kami nagpasyang umuwi ni Andrei.

"I'm glad I helped out." Biglang sabi ni Andrei habang nagdadrive.

"Thank you pala." I said and smiled.

"No need." Sagot niya. "Gabi na at malapit na rin naman tayo sa condo ko, why don't we spend the night there?" Tanong niya. Luh, what is he planning? "Sira! I'm not planing anything." He chuckled. Mind reader lang ang peg?

"Wag na! Yang kamanyakan mo, nakuuu!" Sagot ko naman and we both laughed. Hinatid na niya ako sa bahay at hindi sa condo niya. Hahaha! "Thank you ulit Andrei!" I said and gave him a kiss in the cheecks. He smiled. "Bye! Ingat while driving!"

"You forgot another thing."

"Huh? Anong nakalimutan ko?" Naguguluhang tanong ko. Yung cellphone ko kaya? Mukhang nandi-

*Tsuup*

"My goodnight kiss." He said after that brief kiss then smiled. Magnanakaw talaga oh! "Bye Fierra! See you at the aisle!" Sigaw niya sabay kindat. OhmyGhad!

Purchased Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon