STORY 3

6 0 0
                                    

"kamusta first day? " Tanong ni mama sakin pag ka-uwi

" Ayos naman po " ani ko at umakyat na ng kuwarto upang maka-shower at mag bihis

Sa tuwing kinakausap ako ni mama pakiramdam ko wala talaga siyang gana saakin, pakiramdam ko napipilitan lang siya since anak niya ko

Pagkababa ko ay nadatnan ko si kristine na kakadating lang din, agad naman ako pumunta sa kusina upang mag hanap ng makakain.

Kinuha ko naman ang cellphone ko upang i-check ang instagram titignan ko kasi kung talaga ba na-follow ako ni copper. Nakita ko naman agad ang pangalan niya

Copperzmnz started following you.

Agad naman ako nag follow back sakaniya at tinignan ang profile niya. Rich kid pala to jusko nakita ko kung ilang bansa na ang napuntahan niya at marami siyang sasakyan mukhang mahilig siya dito. Ang ganda pa ng katawan niya bilog at malalalim ang kaniyang mga mata na para bang pag tumititig ka dito ay hulog na hulog ka na, kulay black ang kaniyang buhok na minsan ay magulo o kaya ay maayos basta kahit ano bagay ata sakaniya. 

" Ang gwapo niya " ani ko sa sarili at nag buntong hininga

Sa kalagitnaan ng pag checheck ng profile kay copper ay tumunong ng ilang beses ang cellphone ko, nagulat naman ako sa aking nakita

Alciemae started following you

Zgzvlentino started following you

Raf_cunt  started following you

Nagulat Ako sa sabay sabay nilang pag follow sakin agad ko naman chineck ang profile nila ng makita na halos lahat pala sila ay rich kid.

Matagal na din pala mag kasintahan si maeichelle at zigs

Copperzmnz : you home already?

Aba concern ba ito sakin? Ayoko naman mag feeling, Oo crush niya ako pero mahirap na baka play boy to.

Ako : yep

Yan lang sinagot ko ayoko talaga masyado nakikipag chat Oo gwapo siya Oo crush ko din siya at medyo malandi ako pero medyo lang, pero may pangarap akong kailangan alagaan baka ng dahil dito masira pa

ang arte ko nag dm lang naman siya dami ko ng naisip

Copperzmnz : kinda need your help actually

Ako : help? Saan?

Copperzmnz : to catch your heart 😘

Di ko magets yung banat niya, tutulungan ko siya na ma-salo yung puso ko?  Ano yon? Di marunong bumanat, landi ah

Sineen ko na lang siya at nag simula na akong gumawa ng school works ko di naman ganon karami yun, mga kailangan lang sa mga subject katulad ng index cards, 2x2 pictures at kung ano ano pa.

Ng matapos ako ay lumapit namin agad sakin si kristine.

" Ate... " Tawag pa lang niya alam ko na may kailangan siya.  " Anong kailangan mo? "  Tanong ko sakaniya agad.

" May essay kasi ako eh " mas nauna kasi ang pasukan nila kaya siguro may pa ganito na sila.

" Tungkol saan ba yan? "

" Love ate "  kinuha ko naman ang papel at tinignan ang instructions 500 words ang kailangan next month pa ang pasahan.

" Next month pa? Sige gagawin ko ng paunti - unti "

" Sige ate thank youuuuu " niyakap niya ako at umalis na siya sa kainan.  Kahit naman siya ang paboritong anak ni mama mahal ko pa din siya, minsan naiisip ko na unfair palagi samin dalawa yung trato ni mama pero kapatid ko pa din siya kailangan ko pa din siya alalayan at tulungan kung may kailangan siya.

10 pm ng matapos ko lahat ng gawain ko sa bahay, ako kasi ang nag luluto ng hapunan namin at naglilinis ng buong bahay, all around nga ako eh puwede na ko mag-karoon ng award sa dami ng ginagawa ko sa bahay pero ayos lang atleast pag nag ka-asawa ako matutuwa siya sakin haha. Si kristine kasi ewan ko ba dun pero pinag lihi at sa pagiging batugan yung batang yon, hinahayaan ko na lang dahil ayoko mag away kami ng dahil lang sa gawaing bahay.

Ng matapos ko na ang skin care routine ko at nakahiga na ako sa kama nakita ko na may dm nanaman si copper sakin. Oo nga pala at na-seen ko lang siya kanina paano ba naman kasi babanat na lang hindi pa maiintindihan so weird!

Copperzmnz: hey you sleeping?

: Sorry for the banat turo ni zigz yun eh

: Lumiere I'm sorry

Turo ni zigz? Korni niya HAHAHA paano kaya nakatagal dun si maeichelle jusko. At ang isang to kala mo naman mabigat na kasalanan ang nagawa kung makapag- sorry at lumiere nanaman?!

Ako : stop calling me lumiere please and also It's okay madami lang akong ginawa kanina kaya hindi ako nakapag reply.


Wait what? Bakit ako nag eexplain sakaniya?

Copperzmnz : good to know, anyways goodnight pahinga  ka na gabi na

Ewan ko pero parang tumalon yung puso ko sa nabasa ko pahinga ka na gabi na. Ngayon ko lang ata ako nakatanggap ng ganitong message sa isang lalaki!! Oo may naging ex ako pero hindi ganito teka nga lang ERASE! ERASE! BAWAL KILIGIN!

Ako : Thank yo copper Goodnight!

Kung mag papatuloy siya sa pag lalandi niya ewan ko na lang baka bumigay na talaga ako, pero HINDI PUWEDEEEE!


~~~~






Without youWhere stories live. Discover now