🩺 CHAPTER 04 💉

3 1 0
                                    

🏥🏥🏥

5pm na ng hapon at natapos na din kaming kumain nila simon at mean.. silang dalawa ay dumeretso na sa ER at ako ay nagbabalak umakyat sa rooftop para magpahangin..

Dala ang aking iced coffee, lumapit na ako sa elevator saka pinindot ito.. saglit lang at nakarating na din ako dito sa rooftop.. binuksan ko ang pintuan at saka naglakad papunta sa malimit kong inuupuan pag natambay dito ..

"Hi" halos mabitawan ko ang dala kong iced coffee ng magulat sa boses na narinig ko, tumayo ako ng maayos at humarap sa kanya.. nakaupo siya sa upuan na malapit sa akin..

"Hey intern ganyan ka ba talaga sa senior mo, napapansin ko ang hilig mong mang gulat may problema ka ba sakin hah!!" Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niya na mataray ako at hindi ako basta basta.. pero imbis na ganun ang manyari tumawa lang siya, tumawa ng malakas.  He's laugh was so cute like napaka sarap sa tengga pakinggan.. what self no 🙅🙅🤦

"You know what, mas lalo kang gumaganda pag nag tataray ka.. and i like that.." nakangiti pa din siya ng nakakaloko..

"Haysst ewan!!  talk to your self." Naupo na ako sa upuan ko at saka kinuha ang cellphone ko para mag check ng messages, humigop ako ng iced coffee at hindi ko nalang siya pinansin, inisip ko nalang  na wala akong kasama dito sa rooftop.. just me,my self and I saka sumandal at tumingala sa langit..

"You really like this place Right, sabagay nakakagaan kasi ng pakiramdam ang malamig na hangin dito.. masarap tanawin ang dagat na kita mula dito.. lalo na yung makikita mo ang paglubog ng araw kaya parang wala ka ng ibang gustong gawin kundi ang titigan lang langit sa sobrang ganda" nakatinggin ako sa muka niya habang sinasabi niya yun, ngayon ko lang napansin na maamo ang muka niya lalo pag seryoso, ang mga mata niya ay parang naging maamong pusa na lang, hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin at ako naman ay nakalutang sa kakatitig sa kanya..

"Masarap din ba ako titigan" nakangiting sabi niya at dun na ako natauhan ng marinig ang sinabi niya kasabay ng ngisi niyang nakakaloko..

"What?" Yan lang ang tanging nasabi ko, self heret mo halata ka ehh lagi ka na lang natutulala sa kanya kahiya ka 🤦...  natawa siya ng malakas at ako ay patay malisya na lang at sa kabilang dako na lang tuminggin..

"I heard wala ka pang boyfriend? Why pihikan ka ba??" Napatingin agad ako sa kanya..

" At san mo naman yan narinig" tanong ko.nakangiti siyan humarap sa akin..

" Tinanong ko sa mga nurse sa baba"

"Really ano namang concern mo kung hindi pa ako nagkaka-boyfriend.. mind your own business" tumawa siya ng malakas ..

"Wala lang interesado lang ako sayo, hindi naman ata bawal besides single ka naman" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya..

"Hoy intern!! Lakas naman ng loob mo sabihan ako ng ganyan!! Diyan ka na nga kainis"napatayo na ako at aakmang paalis na ng.. bigla niya akong hinawakan sa wrist at hinatak pa punta sa kanya.. saka hinalikan 😳😳🙀🙀😱😱

Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng halikan niya ako, hindi ko alam bakit para akong nawalan ng lakas para itulak siya, hindi ako makagalaw masyado siyang malakas at matangkad dahil halos buhat na niya ako sa pagkakayakap niya sa akin..
Nanlalaki ang mga mata ko at nanginginig ang mga kamay ko sa ginagawa niya..

Matapos niya ako halikan ay inangat na niya ang muka niya malapit pa din sa akin at dun ako nagkaroon ng lakas para itulak siya.. hinawakan ko ang labi ko at sa inis ko ay bigla ko siyang sinampal ng malakas..

"Yo-YOu jerk!!!" Sigaw ko..saka dali daling tumakbo palabas.. nakasakay na ako sa elevator pa baba.. hawak ko pa din ang labi ko at ewan ko parang nakikita ko pa din ang nangyari kanina..
"SELF STOP IT OK!!! Arggggghhhh!!!" Sigaw ko habang nasa elevator .. bumukas na ito at feeling ko narinig  ako ng ibang tao dahil nakatingin ang iba sa akin..

" Let me be the One "  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon