🩺 CHAPTER 07 💉

3 1 0
                                        

🚗🚗

Shanel pov.

Naka out na ako sa work at Nasa kotse na ako para umuwe.. gaya ng dati saglit lang din ang byahe ko.. pagka pasok ko sa loob ng unit ko ay naghubad agad ako ng damit saka kinuha ang towel para itapis , pahinga lang saglit saka ako maliligo..

Kumuha ako ng tubig saka naupo sa harap ng laptop ko.. mag iinternet muna ako habang nagpapahinga..

Notifications
One message received..
From kethan..

"Nag dinner ka na ba? Tara dito sa unit ko magluluto ako, dito ka na mag dinner!"
Nanlaki ang mata ko matapos mabasa ang message niya..

"Ayy wow marunong ka pala magluto, sige lang salamat. Mag raramen lang ako"

"Haha tara nito para malaman mo, wag kna mag ramen"

"Hindi na talaga salamat na lang "

"Tsss.. natatakot ka ata sakin wala naman akong gagawing masama sayo promise haha.. "

"Sira hindi noh!..
Sige na namimilit ka eh.."

"Aysus hehe! Antayin kita "

Dali dali akong tumakbo sa Cr para maligo, binilisan ko lang saka nagblower na ako agad.. nagshort ako ng hanggang tuhod tapos white Tshirt lang.. pasilip akong lumabas ng unit..dahan dahan kong sinara ang pintuan..  tinggin sa kanan , tinggin sa kaliwa.. tapos paharap akong lumapit sa pintuan ni kethan..

"Anong ginagawa mo??"

"AYY PALAKA!!" Sigaw ko sa gulat sabay hawak sa dibdib ko.. hindi ko napansin na andiyan pala siya sa pintuan niya mukang nag aantay sakin..

"Sorry na gulat ata kita, ano ba kasing ginagawa mo, pasilip kapa sa kaliwa't kanan..hahah" naka crossed arms siya sa harap ko at nagkusa na akong pumasok sa loob ng unit niya.

"Ehh baka kasi may maka kita sakin na pumapasok sa unit mo, ano pa isipin nila."

"Hahaha .. bakit ka naman natatakot ehh wala naman tayong gagawing masama, maliban na lang kung may binabalak kang masama sakin pwede naman!!" Nakangisi niyang sabi.

"Babalik na lang siguro ako sa unit ko"

"Oh! Nagbibiro lang ako, ang seryoso mo eh"hahah..

Nasa kusina na kami at infairness ang ganda ng unit niya lalo na sa kusina mabango at ang classic tignan.. halatang lalaki ang nakatira dahil sa kulay na army green.. nag suot na siya ng apron at natawa naman ako bigla..

"Bakit ka naman natawa diyan?"

"Wala wala.. ano nga pala lulutuin mo?"

"Creamy shrimp pasta! Di kba allergic sa seafood ?"

"Hah hindi naman, paborito ko nga ang shrimp eh"

"Good dadamihan ko pala ng shrimp paborito ko din toh.."

Nagsimula na siyang mag pakulo ng tubig para sa pasta  tapos naghiwa na siya ng sibuyas at iba pang ingredients na gagamitin niya. Habang ako nakatinggin lang sa kanya, ayaw din kasi niya ako patulungin ehh..

"Kailan ka pa natutu magluto?"tanong ko.

"Bago lang since mag isa ako"

"Ah ehh asan ang parents mo??"

"Nasa abroad silang lahat"

"Silang lahat it means buong pamilya mo?"

"Yah but i have some my relatives living in manila.."

" Let me be the One "  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon