🩺 CHAPTER 11 💉

7 0 0
                                    

🏢🏢

Shanel pov.. 👩‍⚕

Nanonood kami ng kdrama sa Netflix at wala siyang nagawa dahil kdrama fanatics ako.. pero movie naman yun at action pa kaya nagustuhan din niya..

"Aww ang cute ng pusa 😻 Go Yang-i!! yan ang tawag sa pusa in korean language, parang ikaw yan"
Pagyayabang ko.. natawa naman siya.. may pusa kasing hawak ang bidang babae..

" Ako Pusa??"

"Oo kasi yung mata mo parang pusa, lalo pag naka surgical mask ka.. ang amo tignan parang hindi makabasag pinggan..pag walang mask para ng tigre hahha"

"Ahh ganun Rawrrr!!" Pinaghahalikan niya ako sa pisngi.. tapos nagtawanan nalang kami..

Seryoso na kaming nanonood habang nakain ng chips na dala niya.. nanlaki ang mata ko ng maghalikan na ang dalawang bida at nasa kwarto pa sila.. para tuloy akong nanlalambot sa pinapanood namin..  naramdaman kong inakbayan ako ni kethan kaya mas lalo akong nanlambot..
Hindi ko na gustong panoorin ang susunod na ginagawa ng dalawang bida kaya nagdahilan na lang ako na CCR muna.. narinig kong natawa siya habang sinusundan ako ng tinggin pa puntang Cr..

Tinagalan ko kunte ang pag cr para sakto pag labas ko tapos na yung ganung scene ng dalawang bida.. ewan ko ba bigla akong tinamaan ng hiya at ramdam kong nag iinit na kasi ang dalawa kong pisngi ehh.. lumabas na ako sa Cr at napansin kong nakasandal na si kethan sa sofa.. pagtingin ko ay nakapikit na siya..nakatulog na kakanood..  tumabi ako sa kanya at ewan ko ba, bat parang ang sarap niyang titigan.. napangiti ako at dahan dahan kong pinindot ang ilong kasunod ang pisngi  niya.. nanlaki ang mata ko ng dumilat ang mata niya.  Ngumiti ito saka ako hinawakan sa wrist..

"Pinipilit kong magpigil pero parang di ko yata kaya!" Bulong niya at bigla niya akong hinalikan sa labi.. hindi ko alam pero i kissed him back again.. nadadala ako sa bawat halik niya..

Natapos na kami manood at bumalik na siya sa unit niya.. gusto niya sana dito na lang siya matulog pero tumanggi ako.. mabuti at hindi naman siya namilit pa..

nakapikit na ako pero ewan ko ba parang gising na gising pa din ang diwa ko.. naiisip ko kasi yung kiss namin kanina.. mabuti at may sumigaw sa pinapanood namin kaya nagulat kami pareho at natigil ang halikan namin, feeling ko kasi mauuwi na sa mas malalim yun .. nako hindi pa ako ready natatakot ako.. tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito. 

Kethan:
"Goodnight babe 😘 iloveyou Rawrr😍

Me: Goodnight din po 😽

Kethan:
"Wala bang Iloveu jan😁"

Me:
"Haha sge Iloveu too 😽🧡"

Kethan:
"Parang napilitan pa hehe 😸 dejok! Pusa talaga ang emoji hehe.. Sge sleep na tayo .. see you bukas babe ko😻😽"
Hindi na ako nagreply at inoff ko na ang cellphone ko..

🌚🌛🌚🌛🌚🌛🌚🌛🌚🌛

🏢🏢⏰⏲️⏰⏲️

Palabas na ako ng unit ko pero pansin ko na hindi pa nagpaparamdam si Kethan.. naisip ko na baka tulog pa kaya nagmadali ako paglabas para puntahan siya sa unit niya..

"Ayyy palaka" halos maibagsak ko ang bitbit ko ng makita kethan na nasa pintuan ko na pala nag aantay..

"Sorry nagulat ata kita hehe!"

"Ayy hnd halata, bat ba kasi andiyan ka na tapos di ka man lang nagtext akala ko kaya tulog ka pa!" Nakangusong sabi ko..

"Tsss namiss ako agad ahh! Tara na akin na yang dala mo.. " pagka abot ko ng laptop ko ay bigla niya akong hinalikan sa lips.. sabay ngiti niyang malaki..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

" Let me be the One "  (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon