DISCLAMER: This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictionous manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental.Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences. Read at your own risk.
***"Oh! lalarga na, isa nalang!" the barker shouted.
I immediately carried my things after hearing it. Kailangan kong magmadali para makaabot ako sa byahe lalo na't isa nalang ay lalarga na raw. I have to leave Manila as soon as possible and I've chosen to go to Caridad City. Wala lang, siguro dahil malayo? Basta hindi ko alam.
"Ay ineng, pasensya na at nauna ata ako?" said the old woman.
Napapikit ako ng mariin. Ibig sabihin ba 'non hindi ako matutuloy doon? Gusto kong unahan si lola pero kawawa naman siya kung maghihintay ulit ng sasakyan.
Ngumiti ako nang tipid kay lola at bahagyang umatras. "Sige po. Kayo nalang lola. Have a safe trip po". Sabi ko at handa ng umalis ng magsalita si lola.
"May nakalaan para sa'yo anak. Magiging okay din ang lahat" makahulugang sabi nya habang nakangiti bago pumasok sa bus.
What does she mean? I shook my head and decided to look for another bus. This time I decided na kahit saan nalang, basta makaalis ako rito sa Manila. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko rito at gusto ko munang magpakalayu-layo
"San Ignacio! San Ignacio!" may dumaan ulit na bus sa harapan ko.
I raised my hand and called the barker. Tumakbo na ako dahil baka maunahan na naman. Good thing nakapunta na ako 'ron last year dahil sinama ako ni Kuya para kitain yung isa sa mga babae niya. Kaya kahit sobrang kinakabahan, tumuloy parin ako.
Almost eight hours na kami sa byahe at sobrang sakit na ng likod ko. Bakit ba kasi hindi nalang ako nag car para hindi masyadong hassle. Pero naisip ko, ganoon rin naman iyon. Mapapagod din naman akong magdrive kapag nag kotse ako.
"Yung mga bababa po riyan! Andito na po tayo sa Poblacion, San Ignacio" Sigaw ulit ng driver sa amin. Mabilis akong tumayo at bumaba.
Pagkababa ko sumalubong sa akin ang mapunong paligid, sariwang hangin, mga bukid at kabundukan. A province!
I never thought of going to a place like this, alone. Nasanay na akong lagi siyang nandyan. Nasanay akong halos lahat ng ginagawa ko kasama ko siya. We were like coffee and sugar, hindi pwedeng paghiwalayin. But it will no longer happen. Wala na siya. Wala na kami. Wala na sa'kin si Andrei.
Seven years! Seven fucking years, nasayang lang...sin layang lang. Well, boys will always be boys! And I hate them!
I sighed heavily and tried to calm myself.
Masakit man pero ito na 'yun eh. 'Yung gusto kong mangyari. Finally, this is it! My first step to move on...to forget about him, about everything related to him.:)