Maddie Castillego.
8 years ago.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin?" Mabibigat na tanong ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang mahigpit na hawak ang pulang notebook na kinuha namin sa star section kanina.
"Ibabalik lang naman natin yung notebook, Maddie. Huwag kang engot." Pinalobo nito ang pisnge at pabirong umirap sa akin.
Tiningnan ko naman si Rean, naka cross arm ito at walang pakialam na nakatayo sa gitna ng hallway. Wala sa sariling napangiti ako ng makita ang naka fishtail na buhok nito maging ang isang mumurahin na pang tali ng buhok na may design na butterfly.
Simula noong sinbukan ko na pag eksperimentuhan ang buhok niya, iba't ibang panali, ito ang nagustuhan niya sa lahat. Fishtail. Yung pangipit na butterfly ang design, yun yung regalo ko sa kanya noong pasko last year, at doon ko lang napansin na palagi na niya itong gamit.
"Okay ganito," hinawakan niya ako sa magkabilang balikat bago tumitig sa mata ko. "Ibibigay mo yan sa kanya, sabihin mo napulot mo. At pag tinanong kong paano mo nalaman na sa kanya, ang isagot mo, may pangalan tanga."
Nahigit ko ang paghinga sa sinabi ni Rean. Bakit kailangang magmura?
"D-diba masyado namang harsh yun?" Binitawan niya ako at tumingin siya sa paligid.
"Hindi harsh yun, kailangan mo lang ipakita na hindi mo siya crush para hindi ka niya pagbintangan na nagnanakaw ng notebook." Akmang magsasalita pa ako ng bigla siyang umayos ng tayo.
"Nandyan na siya." Nilingon ko kung saan ito nakatingin. Sa malapit sa gate, kasalukuyan niyang kausap ang mga magulang nito. Kasama niya parin yung babae na nakasama niya noong isang araw.
Hindi niya ito kapatid, alam ko yun. Isa lang siyang peste. Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang yakapin nolung babae tapos si Gius naman ay ginulo lang ang buhok nito.
"See? Mauunahan ka pa ng babaeng yun e." Umiling iling pa si Rean sa akin. Huminga na lang ako ng malalim at hinintay na makalapit si Gius.
Naghintay kami sa tapat ng pinto ng star section kung saan may iba pang napapatingin sa amin pero madalas ay wala naman silang pakialam.
Bahagyang nagangat ng tingin si Gius dahilan para magtama ang tingin naming dalawa. Bakit ba kasi bagay na bagay sa kanya ang uniform namin. Bakit ba kasi nagmumukha siyang model sa sobrnag puti at walang gusot na polo niya. Simpleng black shoes lang naman ang gamit niya pero bakit halos lahat sa kanya ay kumikinang?
"Hoy." Nabalik ako sa reyalidad ng sikuhin ako ni Rean. Doon ko lang napansin na nasa tapat na namin si Gius, diretso ang tingin sa akin pero hindi ko naman masabi kung ano ang nasa isip nito.
"Gius." Tumikhim ako. Bumaba ang tingin nito sa notebook na hawak ko. Tarantang iniangat ko ito at walang sabi na innabit sa kanya. "Nahulog mo a-ata."
Pagkatapos no'n ay hinila ko na si Rean palayo doon. Cross fingers. Sinamaan ko lang ng tingin si Rean na tawang tawa sa gilid ko. Hindi ko alam pero hiyang hiya ako. Gusto ko ng magpalamon sa lupa.
Nang hapon ding iyon, nakasabay ko si Gius. Parehas kaming nakatayo sa may gilid ng gate na naghihintay ng sundo. Nanatili akong nakatayo habang paulit-ulit na pinapaikot ang daliri ko sa dulo ng buhok ko.
Sana.. sana hindi niya ako maalala. Sana hindi niya ako makilala.
"Mabubuhol yan." Napahinto ako. Ibinaba ko naman ang kamay ko pero hindi ako nagangat ng tingin. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin, ramdam ko iyon.
"Maddie Castillego." Wala sa sariling napatingin ako sa kanya.
"K-kilala mo ako?" Umangat ang sulok ng labi niya bago ituro ang name tag na suot ko. Napatikhim naman ako at mabilis na umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
What's up, Attorney? [COMPLETED]
Teen FictionTAE SQUAD #3: EPISTOLARY What's up, Attorney? -