017

128 1 0
                                    

Rean Amiros
active now

10:04 am

Kinuha nila si Mike. Sorry Maddie. Wala akong nagawa. Kinuha nila si Mike.

2:00 pm

Ano ng gagawin ko, Rean?

Pati si Melanie kinuha nila.

Bakit ganon? Bakit parang galit na galit sa akin ang mundo? Ano bang ginawa kong kasalanan sa past life ko? Bakit grabeng pahirap yung nararanasan ko ngayon?

Una si Mike kinuha nila. Pangawala si Melanie. Sinundo nila sa school, kinuha na lang nila.

Noong namatay si mama wala akong nakuha ni miski katiting na tulong mula sa kanila. Noong napalayas kami sa bahay, hindi nila kami tinanggap.

Nung mas pinili kong suportahan si Melanie sa pagaaral niya sa elementary kaysa magkoleheyo, tinawanan nila ako.

Rean, ba't ganon? Nung naaksidente si Mike, nagmakaawa ako sa kanila pero hindi nila ako pinansin Rean.

Tapos ngayon? Bakit nila biglang kukunin sa akin ang mga kapatid ko na parang wala akong silbi? Bakit nila ginagawa yung mga bagay na dahil gusto lang nila?

Hindi aso ang mga kapatid ko Rean. Tinangihan nila kami. Sinisi nila ako. Tapos ngayon?

Hindi ko na  alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Rean.

Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kakayanin.

×

What's up, Attorney? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon