SPECIAL CHAPTER

1.2K 26 17
                                    

"Pakasalan mo ko."

Natawa ako sa sinabi niya. Napaka bossy at ang attitude niya talaga pero kung titingnan iyon naman talaga ang nagustuhan ko sakanya. That's her charm.

"Sapilitan?" natatawang sabi ko

"Ayaw mo ba?" Lumawak pa lalo ang ngiti ko at hinawakan ang mukha niya.

"Gusto ko. Gustong gusto ko."

Ngumiti siya sakin. That one in a million smile na kahit may mga panahon na masama talaga ang ugali niya makikita mo na deep down mabuti siya. She just got hurt at yung pagtataray niya ang naging defense mechanism niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya habang matingkad pa rin ang ngiti niya sakin.

Nakita ko na unti unting nagbago yung itsura niya. Lumalim ang mata niya at naging sobrang payat ang buo niyang katawan. Naging maputla ang kanyang balat at nawalan ng sigla.. Her hair starts falling one by one pero nandun pa rin siya at nakangiti sa akin.

"You are the love of my life and I will always thank God for giving me you, Silver."

Lumapit ako sakanya. Hindi ko nagustuhan ang mga tono niya dahil parang nagpapaalam siya.

"Mahal na mahal kita, Katie" naramdaman ko ang mga luha ko dahil parang alam ko na ang pakiramdam na to. Aalis siya at hindi ko na siya makikita pa ulit.

"I know right pero tignan mo naman ako" She stands up and look at herself. I see nothing wrong. She looks perfect in that white dress

"Ang panget ko na"

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya

"Oo nga"

"GAGO KA BA?!"

Still loud as hell.

Natawa nanaman ako habang naiiyak. Hindi talaga siya nagbabago. Siya pa rin to. Siya pa rin ang Katie ko.

"Ikaw pa ba ang pumangit? Eh kuhang kuha mo nga ko kahit masama ugali mo."

Kinurot niya ko at pinalo palo pero tumawa lang ako sa ginawa niya. Nararamdaman ko kasi. Nandito talaga siya... Nararamdaman ko yung mga hawak niya.

I hugged her paper thin body so tight. Iniisip ko baka masaktan ko siya pero gusto ko lang talaga siyang mayakap. Ngayon ko lang naramdaman to na parang sobrang hina ko. Sobrang lungkot. Sobrang sakit.

Naramdaman ko na niyakap niya din ako pabalik

"Nerd." she said and smirked.

"Katie"

"Hmm?"

"Masaya ako na nakilala kita. Na dinala ako sayo. Masaya ako. You are my good days mahal ko"

"I know, nerd. I'm thankful and happy as much as you are."

"Because of you I found my peace. Everyday is a battle to me kahit noon na wala pa kong sakit. I'm lonely before. So lonely. Pero ngayon hindi ko na matandaan yung pakiramdam na yun. Natuto ako magpatawad at magpahalaga. Magmahal at mahalin. Kahit sa maikling panahon at kunting oras na pinahiram sakin, kuntento na ako dahil naranasan ko yun. Pinaranas mo sakin yun."

Mga hikbi na lang ang naririnig sa paligid

Hawak hawak ko pa din ang kamay niya, natatakot ako na bigla na lang siyang mawala.

"I want to be with you" I said pleading. Kahit ano gagawin ko makasama ko lang siya ulit. Miss na miss ko na siya hindi ko na alam kung paano ba aahon

"I want to wake up in the morning with you by my side. Gusto ko ng buhay kasama ka, Katie."

"Maybe in another lifetime we'll try again." she smiled the prettiest smile I have ever seen.

My Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon