MNB Day 1.2

7K 138 3
                                    

                 Silver's POV

Nauna akong bumaba ng sasakyan sa kanya pabagal-bagal eh

Habang naglalakad kami papasok ng supermarket walang nag-iimikan saamin at AWKWARD din pano ba naman siguro dahil dun sa kiss. sorry naman nainis lang talaga at nagulat lang ako kanina siguro nasaktan ko si katie para naman kasing binabastos ko sya diba kasi nagnanakaw ako ng halik sa kanya Kasalanan nya naman yun eh

kumukuha sya ng push cart ako naman nasa likod nya lang

Umikot kami sa loob ng supermarket pero wala pa ring nakalagay sa push cart ano ba yung push cart display lang ganon?

"Ano bang bibilhin?"

Tanong nya

"Ngayon mo lang tinanong yan?"

"Hindi kanina pa bakit narinig mo ba akong nagsalita kanina?"


"Hindi."

"Oh yun naman pala eh utak naman nerd!"

"Oy! Umayos ka katie ah"

"Putakte! Wag nga sabi akong tawaging katie eh" sabi nya habang nakaharap sa akin

Pero tinawanan ko lang sya at ako na ang nagtulak sa push cart

Bumili kami ng ahmm.. mga canned foods ,noodles , chichirya,frozen foods,at mga plato kapalit nung mga binasag ni katie kanina

so fruits na lang at vegetables at mga drinks katulad ng mogu-mogu,C2,atsaka ano pa nga ba?

Habang nakuha ako at nilalagay ang mga ito sa push cart tahimik namang nagsa-soundtrip si katie sa likod ko

Pagkakuha ko ng ilang mga fruits nakakita ako ng saging marami yung kinuha kong saging compare sa ibang prutas

"Ano ka ba unggoy? Bakit ang dami nyan?!" 

Eh gusto ko neto eh

"Eh gusto ko eh. ikaw ba kakain nito? Ako naman ah!"

"Ewan ko sayo unggoy ka"

"Tss. walang pakialamanan ng trip tsong!" Pagkasabi ko non inirapan nya lang ako at naglagay ulit sya ng earphones pasalamat sya at nasa mall kami ngayon

Sa kalagitnaan ng pamimili namin napakapa ako sa bulsa ko nasan yung number namin sa baggage counter!? Andun pa naman yung phone ko tsaka bag ni katie oo may dala syang bag ang laman lang ay pabango at panyo see? Kaartehan lang ang laman

"Oy! Katie!"

"UI NERD! ANDYAN KA PALA?" Upakan ko to eh

"Tigilan mo ako Yung number na binigay sa atin  dun sa baggage counter nawawala!"

"Tanga! Pano binibigay sayo di mo yata napansin at dire-diretso ka papasok dito sa supermarket!"

"Loko ka! Eh bakit hindi mo kinuha nakita mo naman pala na binibigay?"

"Aba saken ba ibinibigay? Sayo naman ah!"


Napaface-palm ako, ano ba tong babaeng to?

"Dyan ka muna babalikan ko yung number" actually ok lang naman sa akin na hindi na namin makuha yung gamit sa baggage counter kung wala lang dun ang phone ko pakialam ko ba sa bag ni katie na puro kaartehan lang ang laman

After kong makuha yung number namin dun sa baggage counter

Pumasok ulit ako sa supermarket at hinanap si katie pati na rin ang push cart

My Nerdy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon