Nauna akong bumaba ng kotse para pagbuksan ng pinto si Shahara agad naman nitong hinawakan ang aiing braso ng makababa na sa kotse dala dala ang paperbag na kakabili palang namin kanina ng dumaan kami sa mall, mukhang pili lang ang mga inimbitahan ni mom dahil unti lang ang mga nakaparadang kotse sa parking ng mansion....inalalayan ko sa paglalakad si Shahara, she's wearing a glittery cocktail dress at naka messy bun pa ang kaniyang buhok habang ako naman ay nakasuot ng itim na suit at hinayaan ang magulong buhok na para bang kakagising ko lang but it adds more charisma sa akin kaya hindi na din pinuna ni Shahara gusto nga niya na magulo ang buhok ko ehhh
Sa pagpasok namin sa garden ay bumungad ang ilang mga bakanteng lamesa dahil nakatayo ang halos karamihan sa mga bisita at nakikipag usap pa, may pyramid glass sa gilid na may lamang red wine binabantayan ito ng dalawang naka uniform na waiter dahil para hindi malapitan ng mga batang nagtatakbuhan....may malaking lamesa naman sa unahan at nandoon nakalagay ang mga pagkain at desserts, mom really love to throw a party like this
Hinanap agad namin sila mom mukhang wala sila dito sa garden kaya muli kaming pumasok sa loob at doon na namin natunghayan si mom na kahalikan si dad mabilis kong tinakip ang mga mata ni Shahara but she chuckled kaya sa amin dumako ang atensyon ng dalawa na mukhang gagawa ng bago kong kapatid, namula si mom at kinurot ang tagiliran ni dad....
"Mom, dad get a room.....not here" i said
"Oww hi Shahara Hija" hindi ako pinansin ni kom at hinila niya papalayo sa akin si Shahara
"Happy birthday po gift niyo po pala" nakangiting binigay ni Shahara ang paperbag kay mom
"Nag abala ka pa Hija, kamusta naman ang pagsasama niyo ng anak ko? Pasaway pa din ba iyan? Sabihin mo lang sa akin ahhh"
"Mom!!" Pinandilatan ako ni dad kaya ginaya ko din siya
"Were ok naman po magkasundo kami lagi at kapag may unting misunderstanding he's the one who's approaching and say sorry sa akin" hinalikan ko ito sa noo kaya kinilig ang mom habang ang dad ay tumango
"Ang sarap umibig anak diba?" Sabi sa akin ni dad
Hindi agad ako nakasagot parang umurong ang dila ko at naubusan ako ng maisasagot, dahan dahan na lamang akong napatango.....he look so proud at me simula ng malaman nila na kaming dalawa na ni Shahara lalo na ng mag propose ako sa kaniya ay kitang kita ko na ang pag ka proud sa akin ni dad dahil nahanap ko na daw ang babaeng makakasama ko habang buhay, nakikita daw niya sa mga mata ni Shahara ang pagmamahal nito sa akin kagay din daw ng pagtingin ni mom kay dad, hindi ko alam pero may part sa akin na talagang magulo
"Kailan ang kasal?" Ngumuso ako kay dad
"Wala pa pong exact na date tito" sagot naman ni Shahara
"Bakit ba pinatatagal mo Chord? Nandiyan na ohhh" binatukan ako ni dad kaya nakatanggap nanaman ito ng kurot kay mom
"Hindi ka na talaga natigil sa pang aasar at pananakit sa anak mo Road!!"
"Sorry naman Hon" natawa ako kaya lihim akong sinamaan ng tingin ni dad
"Let's go outside para ma kausap ko na ang mga bisita"
Nauna na silang lumabas sumunod na lamang kaming dalawa ni Shahara, dumiretso kami sa isang bakanteng lamesa nginitian ako ni Shahara ng ipaghila mo siya ng upuan.....gentleman eh? Nakasanayan ko lang gawin to dahil ganito ang mga nakikita ko sa mga palabas umupo na din ako at kinulong ang palad niya sa palad ko
"Chord....." tawag nito sa akin
I answer her with a hummed
"Can you take me a picture?" Natatawa na lamang akong kinuha ang kaniyang phone dahil ginagamitan nanaman niya ako ng pagpapa awa strategy niya
"yes, pero huwag masiyadong nakakaakit na pose..." banta ko sa kaniya
"Ok got it" she winked at me at nagsimula ng mag pose
Ewan ko ba sa babaeng ito parang ang dami kong ginagawang trabaho o kaya madami akong trabaho pagkasama ko siya, ako ang taga luto, taga kuha ng litrato, minsan taga ayos ng buhok.....tinalo ko pa ang P.A niya jinowa niya lang ba ako para may katulong siya?! Joke lang ayos lang din naman sa akin basta siya ang nilulutuan, inaayusan at kinukuhanan ko ng litrato
"Ikaw ang wag mag pa gwapo, look at those girls ohhh" simangot nitong nginuso ang mga babaeng nasa kabilang lamesa na nakatingin sa pwesto namin
"Hindi ko naman sila tinitignan at ikaw ang Fiance ko bakit pa ako titingin sa iba kung nasa tabi na kita" i cringe at my own corny hugot
"Hmp basta akin ka lang" tumango ako at hinalikan ang hanggang ngayong nakanguso pa din nitong labi
"Mr.Almaranez nice too see you here your with your Fiance.....im Mr.Aldos business partner ni Mr.Almaranez" pagpapakilala ni Mr.Aldos sa Fiance ko
"Hi nice to meet you too" tinanggap ni Shahara ang nakalahad na kamay ni Mr.Aldos
Siya ang pinagkakatiwalaan kong Business partner mabait siya at talagang ma respeto lalo na ang mga anak nitong nag aaral hanggang ngayon ay may mabubuting kalooban kaya ng lumapit siya sa akin at humihingi ng tulong dahil papabagska na ang kanilang kompanya ay hindi na ako nagdalawang isip na tulungan siya
"Sige babalik na ako sa lamesa ko" tumango kaming dalawa kay Mr.Aldos
"He's nice" sabi bigla ni Shahara "i remember tuloy si dad"
"Diba bibisita ka sa Russia sa makalawa?" Tumango ito sa akin
"Im going to miss you" sinandal nito ang ulo sa aking dibdib kaya hinaplos ko ang kaniyang brasong naka expose
"Mabilis lang ang isang buwan Hon" sabi ko sa kaniya
May sakit kasi ang kaniyang ama sa puso at nitong linggo tinawagan siya para pumunta ng Russia dahil gusto siyang makita ng kaniyang ama gusto ko mang sumama ay hindi ko na din nagawa pa dahil may mga maiiwan akong trabaho dito sa pilipinas ayoko naman na bumalik na puno ng papel ang opisina ko.
(Bigyan muna natin ang mag fiance ng magandang scene sa story na ito bago pumasok ang magpapagulo muli sa puso ng ating Chord)
