CHAPTER 2

12 7 0
                                    

After class, nagpahatid agad ako sa driver ko sa bahay para magpahinga.

"Ano bayan! Bat ang bagal nating makauwi" reklamo ko pa sa personal driver ko.

"Sorry maam traffic kasi wala po akong magagawa" paliwanag niya pa.

Dahil sa inis ay kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagfacebook.

Mga 6 pm na ng gabi nung nakauwi na kami sa bahay. Dahil sa sobrang pagod, dumiretcho na ako sa kwarto para magpahinga.

Bago matulog, nag open pa ako sa social media accounts ko, at dun nakita ko yung chat ni Kelvin na nakikipag break na siya. Honestly, wala akong naramdaman kasi kaya ko lang naman sinagot eh para ipagyabang sa buong skwelahan at kaibigan ko na siya ang boyfriend ko.

Agad kong pinatay ang phone ko at naghanda na para matulog.

Pipikit ko na sana ang aking mga mata ng may narinig akong isang kakaibang tunog. Para itong sa isang music box at nangagaling ang tunog nito sa ilalim ng higaan ko.

Pagsilip ko sa ilalim nakita ko ang isang box. Agad ko itong kinuha at tinignan.

"Vintage music box may binili ba akong ganito? Di ko na maalala" sabi ko.

Sa mukha nito, medyo may kalumaan na nga ito. Puno ng alikabok at tsaka may mga dents narin. Laruan ko sguro nung bata pa ako.

Pinatunog ko ulit ito at tsaka nilagay sa lamesa. Habang nagplaplay yung music, pa konti2 napapakit ang mata ko sa sobrang antok.

"Banggggg!"

"Mga residente, magsilikas kayo nandito na ang mga hapon!"

Ito ang narinig ko sa mahimbing kong pagkakatulog.

Sobrang lalim na ng tulog ko ng gisingin ako ng isang lalake.

"Magandang binibini, gumising po kayo, mas mainam po na lumikas na kayo ngayun na dahil sabi nila nandito na raw ang mga hapon" Sabi ng isang di ko kilalang lalake.

"What?" naguguluhan ko pang tanong.

"Lumikas na po kayu, wag po kayung matulog dito sa daan" Sabi ng lalaki.

Dahil sa sobrang gulat, hindi agad ako nakapagsalita.

"Nasaan ako?" Sabi ko pa sa isip ko.

Pagmulat ng mga mata ko, nasa tabi na ako ng daan. Di familiar ang lugar para sa akin, parang ang luma luma na ng mga infrastructures.

"Kuya, pwede ko bang matanong kung nasan ako?" Tanong ko pa sa isang lalake.

"Nasa maynila po tayo" sagot nya sa akin.

"Maynila? Eh bat ang lumaluma ng paligid?" tanong ko uli sa kanya.

"Ganito namn po talaga" sabi nya pa.

"Binibini kung magtatagal kapa dyan eh wala na akong ibang magawa kundi iwan ka rito, nandito na kasi ang mga hapon" Sabi nya sabay takbo palayo.

Habang minamasdan kong tumakbo ang lalake. Napansin kong may narinig akong mga taong magsisigawan malayo sa pwesto ko.

Ang mga babae ay ginagapos, samantalang pinag babaril ng mga sundalo ang mga lalake.

Dahil dun ay bigla akong natauhan. Kahit naguguluhan ay pilit kong tinago ang sarili ko.

Habang nagtatago, naisip kong kumuha ng damit pang sout, nung natulog kasi ako, panty at tshirt lang ang sout ko kung kayat mina buti kong humanap ng masusuot.

Pumasok ako sa isang sirang bahay at kumuha ng mga damit.

"Ano batong mga damit na to, nangangamoy na nga, ang pangit pa" reklamo ko pa habang kumuha ng damit.

Pero dahil papalapit na ang mga sundalo, kinuha ko nalang ang isang dress at sinout ito. Pagtapos ay nagtago ako sa ilalim cabinet.

"Sorera o mitsukemasu" sabi pa nung isang sundalo.

Base sa kanilang pagsasalita, hapon nga sila at ang lalo ko pang kinaguguluhan, anong ginagawa nila dito sa pilipinas?.

Hinintay ko munang lumabas sila at nung lumabas na nga sila, agad akong lumubas sa pinagtaguan ko. Habang pinagmamasdan ko ang paligid, nakita ko ang isang kalendaryo.

"Year 1941?" pagtataka ko pang tanong sa sarili.

"Tangina anong klaseng panaginip tong napasukan ko?!" Pagtatakong tanong.

Habang naguguluhan napansin ko sa labas ang mga nagmamartsang sundalong hapon. Hinay hinay lumabas ako sa pinto sa likuran. Pero ng makalabas ako, sumalubong sa akin ang tatlong sundalong hapon.

Papatayin na sana nila ako nang pagbabarilin sila ng mga pwersang amerikano.

"Are you okay?" tanong ng isang amerikanong sundalo.

"Yes I'm fine" Sagot ko pa.

"I'm afraid we will take you away from here, it's not safe for a girl like you to be here" Sabi ng isang amerikano.

Dinala nila ako sa isang kampo. Dun sa kampo, maraming amerikanong sundalo ang nagsasanay sa lugar. Kahit na naguguluhan ay sumama nalang ako.

"I want you to meet Lt. Harvey. He's the commanding officer that will transform you into a soldier" Sabi nya sa akin.

"Soldier? No no I don't want to be a soldier" reklamo ko pa.

"I'm sorry but you have nowhere to go, the japanese occupied the whole city by now" paliwanag nya pa sakin.

"What is your name?" tanong ng isang lalakeng medyo may ka edaran na.

"Jillian" sagot ko sa kanya.

"Jillian, we need to cut those hair to make you look less feminine, if the Japanese will catch you with that kind of hairstyle who knows what they will do to you" paliwanag nya sa akin.

Sa isang iglap dinala nila ako sa isang banyo. Kahit labag sa aking kalooban ay hinayaan ko na lamang na putulin nila ang buhok kong pinag gastusan ko ng mahal.

"Let's cut your hair" The sabi ng isang barbero.

In the end, pinutol parin nila yung buhok ko.

Tinignan ko ang buhok ko sa isang salamin at talagang na sorpresa talaga ako.

"Ganda ko din pala sa hairstyle na to" Sabi ko pa sa sarili.

Kung nagtataka kayo kung anong klase ng hairstyle meron ako. Pixie cut, ganun ang gupit ng buhok ko.

"Starting today, Ms. Jillian Chua you will be joining the 29th batallion as Pvt. Chua. But before that, you will undergo a 3 month training before we send you to battle" sabi pa ng isang Lt..

At simula noon naging isa na akong ganap na sundalo. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ko namalayan na isa na pala akong sundalo ng mga amerikano. Isa ako dun sa mga volunteer na sundalo kung kaya kahit di ako amerikano napabilang parin ako sa kanila.

"The general said to me that you will join the infantry as a medic. Goodluck on your training" Sabi ng isang opisyal.

"You will officially start your 16 week training tomorrow, prepare yourself"

Time Marches BackwardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon