Chapter 1

4.3K 32 13
                                    

By: Aya_Hoshino

-----Gene's Pov-----

"All boys school? Tapos walang Basketball Team? Ano ba namang klaseng school yan kuya?" Tanong sa akin ng kapatid ko na si Jeehan.

"Para sa kaalaman mo hindi kami All boys school! Mas marami lang talagang lalakeng nag-eenrol sa mga engineering courses kaya kalimitan sa mga mens varsity ay kinukuha sa SET(School of Engineering Technology) ng Blue East University.

"Kahit na kuya! Mas marami pa rin ang lalake sa college niyo kaya dapat lang may mens basketball team kayo!"

Nasa high-school pa lang si Jeehan noon ng mapasali ako sa pinaka-huling basketball team ng Blue East University. 

Kaya ko nasabing pinaka-huli kasi buhat noon ay hindi na nagkaroon pa ng basketball team ang Blue East. 

"Meron namang basketball team Jeehan kaya lang... may nangyari eh, kahit ipaliwanag ko ay hindi mo rin maiintindihan."

"Bakit ba kuya? Na-curios talaga ako eh!"

"Bakit nga ba Genesis?" Sabi ni Rei na bigla na lamang sumulpot sa aming likuran.

"Pare, andito ka pala!"

"Ituloy mo na Gene, curios din ako eh." Hinihingal pa ito habang nagsasalita at pinagpapawisan.

Mukhang galing pa ito sa laro. Tinapon niya sa akin ang bolang hawak niya.

"Yung team kasi namin... nandaya daw. Nagpatalo daw kami kaya sinuspende nila kami."

"May ibidensiya ba?" Tanong ni Rei.

"Oo, pero malakas ang kutob ko na frame-up yon! Hindi yun magagawa ng team captain namin na ibenta ang laro."

Tumawa ng malakas si Rei. "Hahaha... ano yun? Buti kung malakas yung basketball team kasi maniniwala talaga ako na nilaglag yung laro. Pero ang isang team na palaging kulelat, wala pang panalo at ni-minsan hindi pa umabot sa finals ay ibebenta ang laro? KALOKOHAN!"

Sumang-ayon naman ako sa kanya. "Oo nga eh! Kung malalaman ko lang talaga kung sino ang may pakana nun! Lagot talaga siya sa akin."

Biglang lumapit si Rei sa akin at nag-request. "Ibalik mo na lang ang team!"

"Ano!?" Pinasa ko pabalik sa kanya ang bola.

"Ang sabi ko ibalik mo na lang ang team! Ngayong nakapasok na ako sa Blue East ay gusto kong maglaro dun ng basketball!"

"Imposible yan Rei!"

"Anong imposible dun? Three years lang naman na suspension ang ginawad sa inyo... eh ano ka na ba ngayon di ba 4th year ka na? Kaya sigurado akong tapos na yun!" Pinasa ulit ni Rei pabalik sa akin ang bola gamit ang chest pass.

"Ayoko!" Kaya pinasa ko ulit sa kanya ang bola gamit ang bounce pass.

"Akala ko ba gusto mong malaman kung sino ang mga nasa likod ng pag-frame-up sa inyo noon?  Malay natin,  ito lang ang paraan upang malaman mo kung sino." Back-pass naman ang ginawa niya.

Steal! Kinuha ni Jeehan ang bola. "Oo nga kuya! Susuportahan kita!"

Lumapit ako kay Jeehan at kinuha ang bola at drinibol ko yun. "Tumigil ka nga Jeehan... para namang may maitutulong ka!"

"Iche-cheer kita kuya ano ka ba!?" Nagtatalon pa ito at umaarteng parang nasa-cheering squad.

"Haaaayyyy... hindi yan ang kailangan ko ngayon! Ikaw Rei, are you with me?"

"Oo pare asahan mo!" Nag-thumbs up pa ito.

*********

Una naming kinausap tungkol sa pagbabalik ng basketball team ay ang vice chancellor na si Dimaculangan.

WAG MUNANG BASAHIN! [Undergoing Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon