By: Aya_Hoshino
-----Gene's Pov-----
Sa susunod na buwan na magsisimula ang Basketball League.
Akala ng team ko ay magiging madali na ang lahat ngunit mali pala kami dahil marami pa pala kaming kulang bilang isang team. Bukod sa napaka-rumi pa ng gym namin ay wala pa kaming maisusuot na Jersey.
Kaya naman problemado kaming lahat.
"Bakit hindi na lang natin utusan si Hiro na kausapin ang ama niya para mabigyan naman tayo ng budget?" Suhestiyon ni Yami.
"Ang totoo mga dre ay ayaw ng daddy ko na sumali ako sa team kaya sigurado akong hindi niya rin tayo matutulungan." Saad ni Hiro.
"Eh napaka walang kwenta mo rin pala sa team eh! Hindi ka na nga magaling maglaro ng basketball hindi mo pa kami matulungang mabigyan ng funds!" Hindi ko sinasadyang masabi kay Hiro yun kaya mabilis akong humingi ng paumanhin.
"Sorry dre."
"Hindi captain... tama ka naman eh... babalik na lang ako dito kapag may maitutulong na ako sa team." Pagkasabi nun ay nagpalit na ng damit si Hiro para lumabas ng gym.
"Ganyan ka ba talaga Gene? Kung hindi ba ako mapapakinabangan ng team na ito ay ibabasura mo rin ako? Tsk! Makaalis na nga!" Maging si Aikee ay nag walk-out din.
Nagsunuran na rin ang iba pang miyembro at ang natira na lamang sa loob ng basketball court ay ako at si Rei.
"I know your just upset Gene kaya mo nasabi yon kay Hiro. Sana lang wag mo nang maulit kasi magiging hobby na talaga yun.
Tara na! Magpalamig na lang muna tayo ng ulo. Walang problemang naaayos sa mainit na usapan." Aya ni Rei sa akin.
Sumangayon naman ako sa kaniya na itigil na muna ang pag-eensayo kaya sumunod na rin ako palabas ng gym.
Halos magkasunod lamang kaming pito palabas ng gym at nagulat sa mga tumambad sa amin.
Mga nagwewelang mga estudyante. OUST BLUE EAST BASKETBALL TEAM!!! yun ang kadalasang nakasulat sa kanilang placards.
Ngunit kung natulala kami ay tila na-estatwa din ang mga kaharap namin. Hanggang sa ilang sandali pa ay nagsibababaan na sa sahig ang mga placards na dala nila at nagsigawan na ang mga babae.
"Oh my God! Oh my God! Ang gwapoooooo nila!" Madalas na isigaw ng mga babae.
Lahat ng atensiyon nila ay nasa pinaka-harapan namin na si Hiro na noon ay nakasuot ng jacket at may suot sa ulo na bluetooth enabled headset.
"Si Hiro ba yan? Member pala siya ng basketball team? OH EM GEEE!!!! Go Blue East Basketball team! WE SUPPORT YOU!!!" <3___<3 Sigawan na ngayon nung mga babae.
"Abah! Tingnan mo nga naman! Marami palang fans si payatot oh!" Natatawang turan ko.
Pero mukhang hindi lang si Hiro ang napapansin ng mga babae kundi pati ang kambal na sina Ken at Key na napagkatuwaan din ang pagkakaroon ng parehong itsura.
Marami din ang humanga sa naka-cap at sleeveless ang suot na pang-itaas ng mga oras na iyon na si Rei.
Hindi rin siyempre kami papatalo ni Aikee na marami din ang nakyukyutan sa aming mga dimples na sa sobrang tuwa ay hindi namin maitago.
Bumenta din ang may long hair namin na miyembro na si Yami, ang pretty boy ng aming grupo.
Nakakatuwa silang lahat. Parang ngayon lang sila nakakita ng isang basketball team na pinagsamang puro gwapo (hindi naman sa pagmamayabang).
BINABASA MO ANG
WAG MUNANG BASAHIN! [Undergoing Major Editing]
FanfictionKapag ba basketbolista ay PLAYER na agad? Porke't naglalaro lang ng bola ay MAMBOBOLA na?