CHAPTER 11

239 8 0
                                    

Chapter Eleven

Viena’s POV

“woah! Talaga?” gulat na tanong ni Jenny mula sa kabilang linya. Naikwento ko rin kasi sa kanya na nakita ko si Exxon dito, at syempre as Jenny talagang and dami nanaman nyang sinabi tungkol sa tadhana tadhana.

“yup! I think they are dispatched to here. Grabe ang kaba ko kahapon nung nakita ko sya sa airport. Akala ko sasabog na yung puso ko sa sobrang kaba.” Pag kwekwento ko pa sa kanya. “pero feeling ko iniiwasan nya talaga ako eh. I mean nasa harap na nya ako kahapon pero parang hindi nya ako nakita.” Pag mamaktol ko pa bago sipain ang isang bato bago nag patuloy sa pag lalakad.

Habang nag aayos kasi ako ng mga gagamitin para sa Medical Check-up mamaya ay biglang tumawag si Jenny kaya iniwan ko muna kay Khailyn ang pag aayos at nag lakad lakad na muna ako mahaba haba pa naman ang oras na meron kami bago ang check-up.

“is it meant to be? by the way, you met him again on the other side of the earth.” Ayan nanaman sya sa mga kasabihan nya. “are you happy to see him, again?” nakagat ko naman ang aking labi dahil sa siabi nya.

Am I happy that I met him again? I certainly am.

“I’m not happy at all.” Nasabi ko nalang. “I feel uncomfortable.” Dagdag ko pa.

Saglit pa akong nag hintay na muling mag salita si Jenny ngunit wala na akong narinig mula a kabilang linya. Napangiwi nalang ako ng makita kong wala na palang signal sa kinatatayuan ko. Wala sa sariling napatingin ako sa mga batang nag lalaro di kalayuan sa kinatatayuan ko. Patakbo akong lumapit sa fence na nakaharang sa aking harapan. Nang mapansin kong hindi naman iyon kataasan ay agad ko iyong tinalon upang bahagyang makalapit sa mga bata.

Napangiti naman ako ng biglang may lumapit sa aking bata. Isang tingin mo palang sa bata ay masasabi mong isa itong pulubi dahil na rin sa duming nasa kanyang mukha at ang butas butas nyang kasuotan ganon din ang mga kasama pa nitong bata.

Napahawak naman ako sa bulsa ko nang maalala kong may isang Candy pala ako dun. Nakangiti ko iyong iniabot sa batang nasa harapan ko. Bahagya naman akong napa atras ng mag silapitan sa akin ang mga bata.

“I’m sorry I only have one.” Nakangiwing saad ko, pero mukhang hindi ata nila na intindihan.

Anong gagawin ko?

“wag mong bibigyan ang isa kung hindi mo kayang bigyan ang lahat.” Napalingon naman ako sa pinanggagalingan ng boses na  yun. “entered a restricted area, you even jumped into the fence.” Napayuko nalang ako ng makita ko ang nakapaskil sa Fence.

My heart raced and my palms are sweating as I look at Exxon. Pigil hininga ko syang tinignang tumalon sa fence na kanina ay tinalon ko rin. Dahan dahan syang lumapit sa amin at binalingan ang mga bata. Saglit pa nya itong kinausap gamit ang ibang lengwahe at maya maya lang ay nagsi takbuhan na ang kabataan.

“anong sinabi mo sa kanila?” takang tanong ko sa kanya.

“sabi ko babarilin ko sila kapag hindi pa sila umalis.” Kibit balikat na tugon naman nya.

Naikot ko nalang ang aking mga mata nang mapagtanto kong isa isang kasinungalingan.

“that’s a lie.” Seryosong saad ko.

“I call it a joke.” Napailing nalang ako bago tumalikod.

“aalis na ako.” Agad na akong nag lakad palayo sa kanya ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay agad akong napahinto . I felt something on my left foot that made me stop walking. Akma ko na sanang tatanggalin ang aking paa ng bigla akong pigilan ni Exxon.

MISSION ACCOMPLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon