CHAPTER 25

165 5 0
                                    

Chapter Twenty-five

Viena’s POV

Bakas sa mukha ng lahat ang hirap na pinagdaanan ng bawat isa. Maraming nakaligtas ngunit marami ring binawian ng buhay. Ngayong araw ay napag desisyonan ng lahat na balikan ang lugar kung saan dumanak ang dugo at luha ng bawat isa.

“there are no longer any missing personnel at the Mining Site. I officially announce the end to the search of missing personnel at Botswana Mining Site as of 11:00 today.” Tahimik lang kaming nakikinig kay Exxon na nag sasalita sa harap. “I want to thank everyone for doing their best under such harsh circumstances. Great job everyone.”

Nang matapos sa pag sasalita si Exxon ay agad syang humarap sa black board kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga trabahanteng pumanaw. Pinalibutan ito ng napakaraming kandila at bulaklak na pinag tulungang ginawa ng mga trabahante at ng mga kapamilya ng mga namatay.

“attention!” napatingin naman ang lahat sa mga sundalong nasa aming likoran ng biglang nag salita si Dionel. “pay your tribute. Salute!” agad na sumaludo ang lahat ng mga sundalo habang nakayuko naman kaming lahat at umusal ng tahimik na panalangin para sa kaluluwa ng mga namatay na trabahador.

Nang matapos ang pag bibigay pugay sa mga pumanaw ay napag desisyonan na naming umalis ngunit hindi pa man kami nakakahakbang ng isang beses ay agad na naagaw ng lalaking nag pakilalang manager ang atensyon ng lahat.

“ngayon na tapos na ang search and rescue, sigurado akong ang responsibilidad ng minahang ito ay mapupunta na sa akin, tama ba ako?” nakangising saad nya, deretsong nakatingin kay Exxon. “ayokong makakita ng kahit isang doctor o sundalo sa lugar na ito.” Maowtoridad na saad pa nya.

Sabay nalang kami ni Exxon na napahugot ng malalim na buntong hininga bago tinalikuran ang lalaki.

“the plane has been set up for the medical team to return to Philippines. Our volunteer period is now over, kaya pwede na kayon umuwi, pero pwede rin naman kayong manatili. if you do not decide to take this plane, I don’t know when is the next flight will be available.” Anunsyo ko sa harap ng buong medical team habang ginaganap ang isang meeting. “Raise your hand if you want to stay.” Dagdag ko pa habang sinusuyod ng tingin ang bawat isa.

Nahinto naman ang aking paningin kay Khailyn na nag taas ng kamay.

“Doc, we need to run the patient on bed 8 through a detailed MRI. Kaya ibigay nyo nalang sa kanya ang pwesto ko.” nakangiting saad ni Khailyn.

“the patient on the bed 12 will take my seat.” Nakangiting saad naman ni Nurse Janet.

Napa awang naman ang bibig ni Doc. Ken habang naka tingin kay Nurse Janet. Siguro ay hindi nya inaasahang mag papaiwan ito.

“ibigay nyo nalang din po sa pasyenteng nasa Bed 10 ang pwesto ko doc Vien.” Hindi ko naman inaasahang tataas ng kamay si Jacob dahil alam kong kabuwanan na ni Marga, dapat ay naroon sya sa tabi ni Marga upang sumuporta sa kanyang panganganak.

“sigurado ka Jacob? Malapit nang manganak si Marga, Hindi ba?” bahagya naman syang napa isip nang sabihin ko iyon, marahil ay nakaligtaan na nya kung anong buwan manganganak ang kanyang kasintahan.

“oo Doc. Pero sigurado namang maiintindihan ni Marga ang magiging desisyon ko, at Isa pa madami ring pasyente ang mas kaylangang Maka uwi.” nakangiteng saad ni Jacob habang nilalaro ang ballpen sa kanyang mga kamay.

“yung pwesto ko sa bed 10 nyo nalang ibigay.” Awtomatiko namang napa angat ang paningin ni Jacob kay Doc. Ken. Maging ako ay nagulat sa sinabi ni doc Ken. Alam ko kasing simula’t sapol palang ay gusto na nyang umalis sa lugar na ito. “dahil mag papaiwan ka eh ganon na rin ako.” Baling nito kay Nurse Janet.

MISSION ACCOMPLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon