Senses

20 6 0
                                        

Ipinikit ko ang aking mga mata. Bakit ikaw ang aking nakikita?
Dinamdam ko ang aking tainga Ngunit naririnig ko ang himig ng iyong pagkanta.

Sinubukan kong maghanap ng iba Yung bago sa aking panlasa,
Ayoko na sa matatamis na mga salita Dahil sa mabubulaklak na salita ay naaalala lamang kita

Nais kong maramdaman ang presensya ng iba
Ngunit ang puso ko ay lubos kang kilala
Pati utak ko'y pinipilit na alalahanin ka
Pero ayoko na talaga, sawa na akong umasa

Pipilitin kong kalimutan ka na,
Kasi yung puso ko ay sobrang durog talaga
Pero ikaw pa rin pala hanggang sa huli kong paghinga
Wala eh, mahal talaga kita

Author's Note:
Update lang ako haha.. Random thoughts to share. Wuv you guys! <3

Feelings through PoemsWhere stories live. Discover now