Liam Knight’s POV
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.
I groaned. Napatingin ako sa orasan. Shit. 1:30 PM. I’m late.
Without bothering to look who’s calling, I answered my phone.
“WHERE THE HELL ARE YOU?!”
“Hello, Goodmorning to you too, baby” I said sarcastically.
“DON’T BABY ME. Nakita ka ni Lexi sa bar kagabi. What the hell Liam?”
Gusto ko sana siyang tanungin kung sino si Lexi para lang asarin siya. But my headache is f*cking killing me. Damn what did I drink last night?
I can’t even remember how I got home.
“LIAM!!” Isa pa ‘to. Tumayo ako saka dumiretso kitchen. I need water. A very cold one.
“Damn Chelsea, no need to shout.”
“Well, maiiwasan sana natin ‘tong pagsigaw ko kung dumating ka lang sa oras!”
Chelsea. My girlfriend- let’s call her that is like a tyrant when mad lalo na kapag hindi niya nakuha ang gusto niya, and right now being late to her family gathering put me on her shit list.
I took a bottled water out of the fridge and drank it. Aahhhh… just what I need.
“Birthday ni Jacob, anong in-expect mo na gagawin namin? Drinking tea?” I asked her sarcastically.
Jacob is one of my closest friends.
Out of the corner of my eye nakita ko si Marco, my assistant. Damn. Muntik ko nang makalimutan na may appointment ako by 2:00 PM. Sinenyasan ko siya. Wait lang.
“I don’t care” I know baby. I know. She sighed. “Pwede bang pumunta ka muna dito to atleast show your face and pick me up?” Well. Atleast she’s calm. “Okay” sagot ko pero binabaan niya na ako.
Tinignan ko si Marco. “I need a shower”
---
When I arrived at Davis’ Residence halos wala na lahat ng kamaganak ni Chelsea.
Sinalubong ako agad ni Chelsea by their front door, kissing me on the cheeks.
I didn’t miss when she whispered. “Dumating ka pa” ngumiti lang ako.
After a quick hello, umalis din kami agad para ihatid siya sa work niya. Hindi niya ako kinibo during the ride and nang bumaba siya kulang nalang makalas yung pinto ng kotse ko sa lakas ng pag kaka-sara niya.
Knowing her, she’ll probably not talk to me atleast for three days. Pag kaylangan niya akong um-attend sa private function that’s the only time she’ll talk to me again.
After dropping her off dumiretso ako sa Office. Sinalubong ako agad ni Marco sa lobby.
“Sir”
“My schedule?”
“Aside from family gathering ng mga Davis’, you’re scheduled to meet the Interns. Nasa board room sila, waiting”
“How many?”
“Three sir”
Right. I remember taking in a favor from a friend of mine na tumanggap ng Interns sa company kahit na hindi ito practice ng company. The things I do for friendship.
Nang makarating kami sa boardroom, there were only two people inside and almost immediately tumayo sila nang makita kaming pumasok.
Tinignan ko si Marco. Akala ko ba tatlong interns? He just shrugged as if hindi niya alam. I sighed. Jeez. Minsan hindi ko alam kung sino ba ang secretary saaming dalawa.
Binalik ko yung tingin ko sa dalawang babae.
“Goodmorning ladies”
---
SAMANTHA’S POV
Alam niyo yung feeling pag nahuli ka ng mama mo na nangupit kahit na anong deny mo?
You’re in the corner of the room, trying your best to appear smaller para mas maawa sayo mama mo at hindi ka paluin. Your hands clasped infront of you at nakatitig ka sakaniya habang naluluha.
Well. Yup. That’s me right now.
Nasa lobby ako ngayon ng Knight Media Enterprises, sa harap ng receptionist na ayaw akong papasukin.
“I told you ma’am, unless may schedule ka, kailangan niyo po ng visitors’ pass”
Sh*t. Napatingin ako sa orasan sa likod niya. 3:00 PM. Im late, sobrang late and I could almost hear my brother’s voice. Ilang chance pa ba ibibigay ko sa’yo Sasa para tumino ka?
“Look” Tinignan ko yung name tag “Michael, isa ako sa mga intern. Wala bang nakalagay diyan na may papasok na tatlong intern? Ilan ang pumasok na interns at kumuha ng pass? Dalawa lang diba? Diba?” I insisted
Pero mukang hindi papa tibag ‘tong isang ‘to. He just pursed his lips then shook his head. My God! Bakit ba ayaw makisama ng tadhana at oras saakin?
Dahil pang anim na internship mo na ‘to? My inner bitch sarcastilly said. And because you partied all night?
“Fine! Tatawagan ko si Mr. Knight!” nanlaki yung mata niya, pero bago pa siya makasagot tinalikuran ko siya saka umupo sa isa sa mga lounge chairs.
Well. Here goes nothing. Tinawagan ko agad siya, after ilang ring sumagot agad. “Yes, Sasa?”
“Hey Big bro” nilingon ko yung receptionist. He was looking at me nervously. I smirk. Akala niya tinatawagan ko boss niya. Well halos same nadin dahil magkaibigan sila.
Minsan iniisip ko kung may lahi ba kaming manghuhula or may kakayahang makabasa ng isip ang kuya ko kahit nasa kabilang kontinente pa siya, wala pa akong sinasabi about my dilemma his voice turned sharp. “What is it this time, Samantha Michiko?”
Great. Just great. Nasa full name basis na tayo. That means hindi magiging madali ‘to.
“Well …” Paano ko ba sasabihin? Na late ako kuya, save my ass?or call your friend, save my ass?
“Don’t tell me about ‘to sa intership mo?” See. He can definitely read minds.
“Kind … of?” I trailed off.
“Anong nangyari?” Sasabihin ko na sana ng biglang may nag beep. “Hold on. I need to take this call” I think it’s for about 2 minutes ng muntik ko ng mahagis phone ko sa lakas ng sigaw niya. “SAMANTHA MICHIKO GREEN!!!”
Not a good sign. Tinawagan ba siya nung kaibigan niya? Matatanggal na ba ako kahit hindi pa ako nagsisimula? Is that possible?
“Hindi ba sinabi ko sayo na this is going to be the last time?” tumango ako kahit hindi niya nakikita, because honestly I can’t really respond to that.
“I know. My fault.” Wow. Sasa admitting it’s her fault? My friends will probably jump off the cliff kung marinig man nila akong i-admit na kasalanan ko ang isang bagay. “Kaya nga tinatawagan kita for help. Please?”
He sighed. Then I heard him talking to someone, probably sa isa pang phone, I tried to make it out pero masyadong muffled yung boses. Saglit lang naging usapan nila because I heard him saying goodbye. “Right. Drinks? 7PM. Bye”
“So…?” Tanong ko
“Pasalamat ka at partners kami.”
Thank you!
“At mag kaibigan kami.”
Thank you ulit!
At the corner of my eye nakita kong may papalapit sakin. “Miss Green?” tanong niya ng makalapit siya. Siya ba yung partner ni kuya?
I observed him. His hair is tidy, you know that kind of hair na nakahati sa gilid at nilagyan ng sandamakmak na gel just for it to stay in place? and he’s wearing an eyeglass, medyo lanky yung from niya and he had a frown on his face, he reminded me of my science teacher nung highschool ako. Strict and boring. I don’t think he’s the CEO.
Tumayo ako, my phone still on my ear. “That’s me. Kuya?”
“Last time, Sasa. The last time.”
“Promise”
Well. Promises are meant to be broken, right?
---
One hour.
One freaking hour.
Ever since dinala ako dito sa office nung kamuka ng science teacher ko, wala na akong ginawa kundi umupo at maghintay.
Well atleast binigyan ako ng juice. But still.
Is this karma? I looked around. Nasa big office ako, mas malaki pa sa office ni kuya. Floor, wall and ceiling lahat color grey.
On the righ side my malaking double doors. Probably a private room tulad ng kay Max dahil minsan natutulog na din siya sa office.
Behind the vintage oval desk may big ass window overlooking the whole city.
Sa table may telephone and laptop na nakaopen, and papers neatly placed beside it. May picture frame pero it was out of my view and I tried to fight the urge para pakelaman yung frame.
Sa pinakaharap may wooden plaque na may naka engrave.
I ran my finger along the letters. “Liam Knight. Knight Media Enterprises. CEO” I read, amused.
Liam Knight. I know the name but never the face. Kahit na close friend sila ni kuya Max, I’ve never met him.
Sinandal ko yung ulo ko sa mesa.
One hour na akong naghihintay dito, a little nap won’t do any harm right?
Yes. Kahit 10 minutes lang.
Sleep, sasa.
Sleep.
I dreamt of him.
Yung prince charming ko nung bata pa ako.
Nakatingin lang siya saakin habang nakangiti. . Ako naman nararamdaman kong nag blu-blush ako kahit na nangangalay na leeg ko kakatingala sakaniya.
“Hindi tayo pwede magpakasal”
Sumimangot ko. “Bakit hindi”
“Kasi mas matanda ako sayo, hindi mo ako abot”
“Edi hintayin mo ako lumaki!”
Tumawa siya. Tumawa din ako.
“Pwa-mis?”
Ngumiti lang siya. Sumimangot ako ulit.
Ayaw niya ba ako pakasalan? Sabi ni mommy maganda daw ako at madaming pwince na gusto magpakasal saakin.
“Anong pangalan mo?” sabi ni mommy wag daw sasabihin yung pangalan kung kani-kanino.
Pero siya pwince ko kaya okay lang!
“Shamanta”
“Samantha. Promise.”
“Samantha”
Hmmm …
“Samantha …”
Hmmm…
May naramdaman ako sa bandang tenga ko, and I shivered. Panaginip parin ba ‘to? Pang ang bilis mag shift.
“Samantha, may sunog”
Bulong niya. I can feel his hot breath on my ear. Yup. Panaginippa nga rin ‘to. My sweet dream turned to a sexy dre –sunog? May sunog?
“MAY SUNOOOG!!!”
Napamulat ako. Sh*t! Una kong nakita yung juice na binigay sakin.Dinampot ko agad saka binuhos sa pangalawang bagay na nakita ko. “SUNOOOOG! PATAYIN … na…tin …” or should I say tao.
I looked at person in front of me.
Me looking at him wide eyed, him looking at me in disbelief.
Then it turned to anger.
Sunog? Yeah. May sunog nga, because the man infront of me is definitely hot. Compare sa height ko, he’s taller, maybe around 6’4” or more. Trim built as if custom made sa katawan niya yung suit niya, with a jet black hair, romanesque nose and a strong jaw.
Oh damn.
His brown eyes narrowed and rigid as he looked at me. As if on cue, biglang pumasok sa isip yung sinabi ni kuya Max.
“The last time”
Nag echo yung mga salita. Huminga ako ng malalim. Pwede ko pang ma survive ‘to diba? Diba?
I wish.
Ngumiti ako. You know the “I’m guilty please forgive me” kind of smile and said. “Uh … sorry?”
BINABASA MO ANG
His Nasty Little Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)
Ficción General"Last time, Sasa. The last time." "Promise" Well. Promises are meant to be broken, right? Samantha Michiko Green Just have to finish her 'last chance' 3 month internship. Sounds easy right? Not when you have Liam freaking Knight as your boss. For L...