Chapter 2

237 2 0
                                    


Primrose Pov

Sa pagpaptuloy namin maglakad ay nakarating kami sa isang double door na pinto na medyo kalakihan.

Tok!

Tok!

Tok!

Katok ng babaeng kasama ko.

Come in”boses ng isang lalaki ang nagsalita mula sa loob.

Pagpasok namin ay namangha ako. Ang ganda dito sa loob napaka elegante ng dating dahil medyo dim ang ilaw na kulay dilaw at ang ganda ng pagkakaayos ng mga gamit sa loob.

Nag bow ang kasama kong babae sa lalaki na naka-upo sa isang couch sa may gilid.

Naririto na po si Ms.Verax ” magalang na wika ng babae.

Tumayo ang lalaki at lumapit sa may upuan na may table at umupo.

Nasaan siya?”takang tanong ng lalaki. Marahil ay hindi niya ako nakita dahil nasa likod ako ng babae.

Narito po siya” sabay punta sa gilid ng babaeng kasama ko.

Nagulat naman ang lalaki marahil ay hindi niya inaasahan na naririto na pala ako kanina pa.

Ngumiti nalang ang lalaki saakin.

Hintayin mo nalang si Ms. Verax sa labas Mrs. Sacred”utos ng lalaki.

Opo Mr. Reo” wika ng babae sabay bow.

Pagkalabas ni Mrs. Sacred ay agad na ngumiti sa Mr. Reo.

Maupo ka Ms. Verax”sabay turo ng upuan sa harap ng table.

Pagkaupo ko agad na ibinigay saakin ang isang brown and black envelope with ‘s’ dahil dalawa iyon.

Buksan mo nalang ang black envelope pag ikay nasa dorm muna

Opo” sagot ko sa kanya.

at oo nga pala sa lunes kana papasok” linggo kasi ngayon.

opo

Makakaalis kana

Tumayo na ako at nagbow at lumabas na. Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Mrs. Sacred.

Tumingin ito sa akin at ngumiti.

Tara na po Ms. Verax at ihahatid ko na po kayo sa inyong dorm” wika niya.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Naglakad ulit kami sa hallway pero ngayon ay hindi na namin nadaanan ang painting na kulay pula. Maya maya pa ay nakarating na kami ng dorm ng girls.

Huminto kami sa isang pintuan na may number na nakalagay na #666.

ito na po ang inyong dorm Ms. Verax”ngumiti ito saakin.

opo” sagot ko rito.

Saan nga pala ang aking room”tanong ko rito.

Makikita nyo po ang inyong room sa brown envelope pati narin ang mga subject’s at locker number mo”paliwanag nito saakin.

Naalala ko na dalawa pala ang ibinigay saakin ni Mr. Reo, eh? Para saan ang isa?.

para saan po ang black envelope na ito”sabay pakita ng black envelope.

Tingnan nyo nalamang po sa.loob ng inyong dorm”sabi nito saakin.

Aalis na po ako Ms. Verax

Maraming salamat s lahat Mrs. Sacred mag-iingat po kayo” sabi ko rito. Ngumiti nalamang ito at saka naglaho.

Pumasok na ako sa loob ng aking dorm. Pagpasok ko ay napa nga-nga ako sa aking nakita ang ganda ng loob ng aking dorm parang 5 star hotel ang ganda.

Matapos kong libutin ang aking paningin sa lood ng aking dorm ay napagpasyahan kong ayusin na aking mga gamit. Habang inaayus ko ang aking mga damit ay nakita ko ang black envelope na ibinigay saakin ni Mr. Reo nilapitan ko ito. Bubuksan ko na sana ng bigla nalng may kumatok.

Pagbukas ko ay tumambad sa aking harapan ang isang napakagandang babae.

ah, hello ako nga pala si Stephanie lee, ikaw ba yung bagong lipat dito sa room na to?” malamang psh.

ah ako naman si Primrose verax at ako ang bagong lipat dito ano pala ang ginagawa mo dito?” tanong ko rito.

sasabihin ko lang sana na maging friends tayo ayos lang naman kung ayaw mo

Ngumiti ako rito.

Oo naman pwede tayong maging friends ” sabi ko.

talaga! Wow  may new friend na ako” masayang sabi nito sabay yakap saakin.

Bukas ha sabay tayong pumasok ha?” sabi nito saakin.

O sige” sabi ko rito ng nakangiti.

O sige aalis na ako bye” masayang sambit nito sabay takbo.

Nang nakaalis na siya ay pumasok na agad ako sa loob.

Kinuha ko ulit ang black envelope at binuksan pag bukas ko ay...

May nakita akong papel na walang sulat. Nagtaka ako ng wala ni isang nakalagay sa sulat.

_________________________

(01-30-2015)

Angel's and Demon's (VAMPIRE story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon