Chapter Thirty Eight

1.4K 49 4
                                    

Chapter Thirty Eight

TAPOS na akong mag ayos para sa christmas party namin. I was waiting for Chienna para sabay kaming pupunta sa bahay ni Theo. Excited sya kasi feeling nya kumpleto daw ang barkada. Hindi ko lang alam kung paano ko papatunguhan si Oliver kasi sa kanya, ang kaswal pa din eh.

Hindi ko na nga alam kung totoo ba sya sa sinabi nyang he'll continue courting me, ayoko na sana isipin kasi hindi na din naman kami nagkikita. Uhh... Well we oftenly see each other kapag nasa bahay ganun, since he's my neigbhor. Ngingiti sya.

I'm wearing a mustard yellow off shoulder with black and white stripes cargo pants. Nilugay ko nalang ang buhok na medyo kinulot ko ng konti sa dulo. And I'm wearing the valentino shoes Oliver gave me. Wala lang, pakiramdam ko lang ang cute nya sa outfit ko ngayon.

My phone beep, a message from Chie telling that she's ready. Nagtext na ako kay Mama na aalis na ako, may lakad kasi sya ngayon.

I started the engine and drove away. Sa bahay ng Tita ni Chienna sya dumiretso  kanina noong dumating. Sa labas na ng village nag antay si Chie kaya bumusina ako agad para makita nya ako.

"Hi bebu!" She kissed my cheeks. "Merry Christmas!"

"Merry Christmas, how's Tita Mommy?"

"She's out of the country kasama ang boyfriend nya." Nakangiti nyang kwento.

"How about you? Where's your boyfriend?"

"Wala ha." Bitter nyang sagot. "Ikaw? Ano balita kay Sir? Di pa din tumitigil?"

I kept my mouth shut and continue driving. Humalakhak si Chie sa tabi.

"Anyway, makikita ko naman sya mamaya. I'll ask him myself nalang."

"Chie! Hayaan mo na nga. Nakakahiya no, nandoon sina Carmela."

"Ano ka ba? Syempre alam nila ginagawang panliligaw ni Sir sayo." Natawa sya uli. "Ganda ng friend ko. Crush nya lang dati, nililigawan na sya ngayon. How to be you?"

"Chie, tumigil ka."

She playfully zip her lips. Nilagay ko sa waze app iyong address ng bahay ni Theo. Medyo hindi ko pa gamay kasi ang mga lugar at bahay presinto lang naman ako lagi.

Tahimik na si Chie hanggang makarating kami sa isang exclusive subdivision. Huminto kami sa tapat mismo ng bahay, sinilip ni Chie at nagthumbs up sa akin para ipaalam na nasa tamang lugar kami.

Sabay kaming bumaba na dalawa. I grabbed my gifts and locked my jeep. Tinawagan naman ni Chie sina Carmela para ipaalam na nasa labas na kami.

"Yaman din ni Theo no?"

"Mayaman ka na din ah. Kuripot ka na nga lang." Sabi ko.

The gate open and Oliver smiled at us. Napasinghap pa nga si Chienna, parang tanga lang. Niyakap nya pa si Sir.

"Hi Sir! Long time!"

Oliver chuckled. "Hi. You look beautiful, Chie."

"Ay! Ako lang? Si Primrose, hindi?"

Kinurot ko ng mabilis ang tagiliran ni Chie. Sinimangutan nya ako, habang pinanlakihan ko naman sya ng mata.

"Well, she always beautiful." Sabi ni Oliver nang nakatingin sa akin.

Parang tanga na tumili si Chie at tumikhim pagkatapos. Oliver smiled so I smiled also.

"Ako na dito." Ani Oliver at kinuha ang dala namin.

"Start na ba? Carmela!?" Chienna shouted and went inside.

Ako na iyong nagsarado ng gate bago ako naglakad uli. Katabi ko si Oliver, and mind you, sobrang awkward sa akin! At hindi ko alam kung bakit talaga!

Someday We'll Know (Lausingco Series #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon