Chapter 1

123 1 0
                                    

CHAPTER 1 (Blue Note)

Ericka’s POV

Alam mo parang nagbabago na sakin si Mark” –ako na nakahalumbaba, kausap ang aking bestfriend,

Pano mo naman nasabi?” –Iza

eh di ko alam, basta feeling ko nagbabago na siya” –ako, di ko rin alam kung bakit ganito na yung nararamdaman ko,

alam mo paranoid ka lang best” –Iza, baka nga!

hahaha!! Yaan mo na nga lang best, wag mo na lang akong pansinin” –ako

Ako nga pala si Ericka, 19 years old, si Mark naman yung boyfriend ko, 20 years old na siya, and 3 years na kami. Masaya kami, at kilalang-kilala na namin ang isa’t-isa. Mabait siyang tao kaya naman minahal ko siya ng buong buo, lahat din ng gusto niya ay ibinibigay ko, ganun din naman siya sakin.

I love PINK STUFFS ^___^ pink ang lahat sakin, ballpen, notebooks, bags, pencil, ponytail, and everything.

Nandito pala kami ngayon sa school garden, lunch break na kasi namin ihh, tapos na rin kaming kumain kaya naman. Nakatambay lang kami dito ni Iza and Dylan.

oh Dylan, bakit tahimik ka na naman diyan?” –Iza, oo nga, basta talaga tungkol sa mga ganito yung usapan namin, hindi siya nakikisali,

alangan namang makisali ako sa ganyan, eh usapang babae lang yan” –Dylan

oo nga naman best, alam mo namang di nakikisali tong si Dylan sa mga usapang lalake ihh,” –ako, at ginulo ng kaunti yung buhok ni Dylan,

tara na nga at bumalik na tayo sa kanya-kanya nating classroom, at 5 minutes na lang eh mag’be’bell na” –Dylan, habang inaalalayan kami ni Iza na tumayo,

oo nga pala Dylan, bakit pala hindi natin kasabay si Mark mag’lunch?” –ako, mag’classmate sila nun ihh, at kami naman ni Iza ang mag’classmate,

malay ko dun sa boyfriend mong siraulo” –Dylan

bakit naman ganyan ka?” –ako

ahh wala ^__^ joke lang yun, di ko alam kung nasan siya, eto na room niyo oh,” –Dylan

BYE DYLAN ^____^ SALAMAT !” –ako and Iza

After few minutes,

KRIIIIINNNNGGGG

At dumating na yung professor namin, nag’lesson lang kami, and quiz, after 3 hours, 30 minutes break na, every subject kasi namin ay may 30 minutes kaming break,

Pumunta muna kami sa may locker room para iwan yung mga gamit na hindi na kailangan, at kunin yung mga gamit for our next subject, then after that nag’ayos lang kami ng konti and pumunta na kami sa next room namin, after few minutes ay dumating na yung prof namin.

ok class, open your books to page 305” –ma’am english

And hinanap na namin yung page 305, pagbuklat ko ng book ay may nalaglag na blue note, at may nakasulat,

Ericka Dela Fuente,

Hello :)) I’m here to help you solving your problem with your boyfriend, I’m going to send you notes every Wednesday, and I will place it on page 11 of your english book :”> I hope you will use my “5 WAYS to know if He is CHEATING on You”.

Take care always and PLEASE DON’T CRY!

~DALES

Naku, sino kaya tong DALES na to ?? Tinabi ko na lang yung note sa wallet ko, at binuksan na yung book sa page 305, pagtapos namin mag’basa ay nag’quiz na kami, then labasan na,

Nagpunta na ulit kami ni Iza sa may locker room, then I checked my phone,

*1 message recieve*

From Babes,

        Sorry babes kung di ako nakasabay sa inyong mag’lunch huh? Gumawa pa kasi ako ng assignment ihh,

To Babes,

        Ok lang babes, kumain ka na ba?

*MESSAGE SENT*

*beep beep*

From Babes,

        Yup tapos na! Sige na babes, pasok na ulit ako, I love you!

To Babes,

        Ok, I love you more :))

*MESSAGE SENT*

Then pumasok na ulit kami, and after 3 hours eh uwian na!! Naglalakad na ako ngayon palabas ng campus, and there I saw Mark,

Hello babes” –Mark sabay kiss sa chicks ko

Hello ^___^” –ako

Naglakad na kami pauwi, walang umiimik,

babes, ok ka lang ba?” –ako

ahh, oo babes” –Mark

ahh okay” –ako

nandito na tayo sa inyo,” –Mark

ahh, sige, pasok ka muna!” –ako

ahh, wag na, uwi na ko, pagod na rin ako ihh, kita na lang tayo bukas” –Mark

ok ingat bye!” –ako

Bakit kaya ganun siya? Ano na kaya nagyari sa kanya? Bakit parang ang lamig na niya sakin,

5 WAYS to KNOW IF HE is CHEATING on YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon