CHAPTER 10 (Knowing Him)
Special POV of Mark
(A/N: alamin natin ang side ni Mark)
Hi, ako nga pala si Mark, matalino, gwapo, at gentleman, pero sabi nila isa rin daw akong MANLOLOKO. Oo inaamin kong niloko ko si Ericka, ang babaeng ipinipilit sakin ng mga magulang ko. At dahil sa takot ako sa kanila, niligawan ko si Ericka kahit hindi ko siya mahal, natututunan naman yun di ba?
Hanggang sa isang araw, naging kami, ramdam ko kung gano niya ko kamahal, pero di ko pa rin siya kayang mahalin, pero naging mabuti ako sa kanya, pinakitaan ko rin siya ng pagmamahal kahit peke lang, tinuring ko na lang siyang nakababatang kapatid,
Nakokonsensya ako sa ginagawa ko sa kanya, pero dahil tinako ako nila mama na itatakwil nila ako, wala akong magawa kundi sundin sila.
Gabi-gabi akong nakokonsensya sa ginagawa ko, kaya para maibsan ito, lahat na lang ng oras ko ay ibinibigay ko kay Ericka, masaya naman siyang kasama, at hindi siya mahirap mahalin, maganda rin naman siya at matalino, mabait pa! Pero hindi talaga ako ang para sa kanya ihh.
May mahal akong iba, simula pa lang high school siya na ang gusto ko, ang pangalan nito ay Lovely Dizon, siya ang gusto kong mapangasawa, at siya yung taong mahal na mahal ko.
Kaya naman nung dumating yung time na naging classmate ko siya eh mas naging masaya ako, lagi ko siyang tinitignan, nakipagkaibigan na rin siya sakin, at di nagtagal eh umamin siya sakin sa rooftop,
“Mark, matagal na kitang gusto” –Lovely
“pero may girlfriend ako” –ako
“ok lang sakin kahit pagsabayin mo kami, basta kasama kita, at alam kong ako ang mahal mo” –Lovely
Sa totoo lang, masaya ako nung nalaman kong mahal din ako nung taong mahal ko, pero natatakot ako, ayokong saktan si Ericka, dahil napaka’buti niyang tao, hindi ako deserving sa kanya,
“hindi pwede, oo mahal kita pero ayokong saktan si Ericka” –ako
“hindi naman niya malalaman to ihh,” –Lovely
At paulit’ulit niya kong pinipilit, tas umiyak pa siya, kaya wala na kong nagawa kundi ang pumayag,
Kay Lovely ko na nabubuhos ngayon ang lahat ng oras ko, sa twing inaaya ako ni Ericka na umalis ay lagi akong nakakapagsinungaling sa kanya, kasi may lakad din kami ni Lovely, dahil mahal ko si Lovely, siya ang pinili kong samahan, nagpalusot na lang ako kay Ericka.
Hanggang sa isang araw,
*beep beep*
From Babes,
Hey babes, let’s meet at starbucks in mall today at 5pm SHARP OK? I have something important to ask!
Ano kaya tong itatanong niya, kinakabahan ako ihh,
To Babes,
OK!
*Message Sent*
4:30 na kaya pumunta na ko ng starbucks,
“HI!” –ako
“HELLO” –Ericka
“kumusta na ba babes? Miss na kita ahh?” –ako sabay beso,
“eto, maganda pa rin, so I’ll ask you direct to the point Mark, ARE YOU CHEATING ON ME?” –Ericka na nakayuko
“O-o-of course n-n-not! Babes naman” –ako, sh*t nakita niya na ba kami? Pero mag’de’deny na lang ako,
“do you still love me?” –walang emosyong sabi niya
“y-y-yes b-b-babes, bakit ka ba nagtatanong ng mga ganyang tanong?” –pinagpapawisan na ko, mukang aam na nga niya,
“ahh, wala, yun lang, geh alis na ko ahh,” –Ericka sabay alis,
Umuwi na lang ako sa bahay at nag’isip, tama bang mag’sinungaling ako? Ayoko kasing nakikita siyang nasasaktan ng dahil sakin ihh, hindi po ako deserving.
Thursday na, Lunch break na rin, at inaya ako ni Lovely na mag’lunch sa rooftop, pinag’baon niya daw ako, kaya naman kumain na kami, pagtapos namin kumain, nagulat ako ng bigla akong hinalikan ni Lovely, hindi ko alam ang gagawin ko pero tumugon ako sa halik niyang yon.
Isa na lang ang nasa isip ko ng mga sandaling yon,
IPAGLALABAN ko ang taong mahal ko, at wala akong pakialam sa kayamanan ng mga magulang ko, gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa kanila na hindi nila kayang diktahan ang puso ko!
KINAGABIHAN
*riiinngg riiinnngg riiinngg*
Tumutunog cellphone ko, tinignan ko kung sino yung tumatawag, si Ericka, sinagot ko naman ito,
“Hello” –ako
“LET’S BREAK UP CHEATER!” –Ericka
“why?” –ako
“don’t ask why K? bye” –Ericka, tas in’end call na niya,
Di ko alam, pero tinawag niya kong cheater, alam niya na siguro yung samin ni Lovely :(( I’m sorry Ericka, I’m sorry :((