CHAPTER 11 (Knowing Her)
Special POV of Lovely
Hi! Ako si Lovely Dizon, ang totoong mahal ni Mark Perez, pero ako?? Hindi ko siya mahal no! Ginagamit ko lang siya para masaktan si Ericka Dela Fuente. Bakit? Kasi inagaw niya ang lahat sakin! Ang pagiging Campus Princess, Top 1 sa buong klase, pati na rin ang kaibigan kong si Iza.
YES! I’m a bitch and I’m super proud of it, at dahil alam kong mahal na mahal ni Ericka si Mark, at si Mark naman, ay ang mahal niya ay ako, ginamit ko si Mark. POOR MARK!! BWAHAHAHAHAHA!!
Ngayon ang araw na uumpisahan ko ang pag gamit kay Mark, kaya naman inaya ko siya sa rooftop para kumain at kausapin,
“Mark, matagal na kitang gusto” –ako with matching konting arte pa >:))
“pero may girlfriend ako” –Mark, jusko po, pakipot pa tong isang to!
“ok lang sakin kahit pagsabayin mo kami, basta kasama kita, at alam kong ako ang mahal mo” –ako at may paawa effect pa
“hindi pwede, oo mahal kita pero ayokong saktan si Ericka” –at umamin din ang loko >:))
“hindi naman niya malalaman to ihh,” –ako with teary eyes >:D
Pero hindi pa rin siya pumayag, at umiyak ako KUNWARI! At ayun, pumayag din ang loko! Yun lang pala ang kailangan ihh -_____-
At ayun, lagi kaming magkasama, hanggang sa isang araw, kumakain kami sa rooftop, sakto yun, kakatapos lang namin kumain, nakita ko si Ericka na papasok dito sa rooftop, kaya naman hinalikan ko si Mark, at ayun nakita ko siyang tumakbo ng umiiyak >:D
POOR ERICKA!!
Pero teka, bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko? Ano tong nararamdaman ko? Gusto ko na ba tong si Mark?
Kinabukasan nabalitaan kong wala na si Mark and Ericka, Break na daw sila, nakaramdam naman ak ng saya, pero parang hindi dahil nasaktan na si Ericka, kundi dahil sakin na lang si Mark?
Mahal ko na ba si Mark?? Hindi pwede yun!!
Kaya lagi na kaming magkasama ni Mark, dahil nga wala na sila. Masaya siyang kasama, mabait, at gentleman pa. Pero hindi ako pwede main-love sa kanya dahil parte lang siya ng paghihiganti ko.
Pero bakit ganun? Habang tumatagal, mas lalo akong napapamahal kay Mark.