Justin's POV
Kasalukuyan kaming nasa arrival area ni Zairhyll, hinihintay sila Khalid dahil susunduin daw nila kami.
" Grabe it's good to be back to your own country talaga noh? " tanong ni Zhairhyll habang makikita mo sa kaniyang mukha ang sobrang saya at sobrang excitement...
sa sobrang ganda ng ngiti ng kasama ko, napapangiti rin ako ng sobra
" Sobra " sagot ko habang nakatingin sakaniya at naka ngiti ng Todo, tumingin din siya pabalik saakin at ngumiti pa NG sobra, yung tipong labas na ang gilagid Niya
" Ang cute cute cute cute talaga ng pisnge mo Hon " Saad ko, habang pisil pisil parin ang mag kabilaan niyang pisnge
" aray naman! grabe ka nanaman sa pisnge ko " sagot niya habang pilit na tinatanggal ang aking pag kaka pisil sa kaniyang pisnge
" sorry na, ang cute lang kasi " pag hinge ko ng tawad habang ako'y tumatawa, ngumiti rin siya ngunit biglang nag laho ang kaniyang ngiti ng tila may naisip siyang isang bagay....
" Justin, may tanong ako " saad niya, " ano Yun? " tanong ko, habang titig na titig at nakangiti sakaniya.....
" handa kana bang makita ulit siya? handa kana ba sa mga possibleng mangyayari pag nag kita kayo ulit? " tanong niya, ang ngiti ko'y biglang nawala, tila pinapakiramdaman ko yung sarili ko....
kasi hanggang ngayon hindi ko alam, hindi ko parin talaga alam kung bakit? kung may nagawa ba ako? kung ako ba yung problema?
" Hindi ko alam, malalaman ko lang sigurong handa naako kung nasa mismong sitwasyon naako " sagot ko, at nag pakawala ng ngiti
" pero gusto mo parin bang maging kayo sa huli? kahit na ganun yung nangyari? " tanong niya, at nag pakawala ng isang buntong hininga at ngumiti ng pilit
" kahit na hindi nalang siguro kami hanggang sa huli, basta mapunta siya sa tamang tao, basta maging masaya siya, basta mahanap niya lang yung lalaking mag mamahal sakaniya ng sobra at Basta mahanap niya yung taong mag paparamdam kung gaano siya kahalaga, okay naako dun " sagot ko ng may ngiti sa labi...
ngumiti rin siya at saka tumingin tingin sa paligid, lumapit ako sakaniya at umakbay sabay halik sa kaniyang ulo " huwag kang mag alala Hon hmm?? " Sabi ko habang nakangiti sakaniya.....
Hindi nag tagal ay natanawan ko na sila Khalid, ngumiti ako agad at kumaway, ngunit natigil ako ng may makita akong isang pamilyar na Tao, no scratch that, taong naging isang malaking parte ng buhay ko.
Nakita kong nagulat rin siya ng makita ako, lumipat ang tingin niya kay Zhairhyll
" Bro!!!! long time no see, grabe mas Lalo kang tumangkad, at pumogi kagaya ko! " pag bati ni Erros sabay tapik saaking balikat
Agad naman siyang inambaan ng batok ni Khalid " anonv poging kagaya mo? baka ako mukha ka kayang pwet ng manok " saad naman ni Khalid at nag tawanan ang lahat maliban kay Julianne
at dun na nga nag simula ang asaran nila
" Dude, ipakilala mo naman yang napaka gandang kasama mo " Sabi ni John sabay ngiti at kindat kay Zhairhyll
" dude, not her " sagot ko habang pabiro ko siyang inaambahan ng suntok
" Ang damot mo naman pre " sagot ni John
" ah by the way guys, this is Zhairhyll " pag papakilala ko sakaniya habang naka ngiti
" Hon, Ito si Khalid, Ito si John, Ito si Josh, Ito si Keith, Ito si Erros, Ito si Mark, Ito si Dhens, Ito si Dhens, Ito si Kristine, Ito si Sabrina at Ito naman si Julianne " pag papakilala ko sakaniya ng mga kupal kong kaibigan, Isa Isa Niya itong kinamayan, tinignan at nginitian...
Pag katapos ng pag sundo at pag papakilala ko sakanila Kay Zhairhyll ay napag pasyahan naming kumain sa isang resto...
habang hinihintay ang aming mga order ay biglang nag tanong si Mark saaming dalawa ni Zhairhyll " so saan Kayo nag kakilala? paano Kayo nag kakilala? Kayo ba? gaano na katagal? "
napapailing at napatawa nalang kaming dalawa ni Zhairhyll sa sunod sunod niyang tanong, tumingin saakin si Zhairhyll at tinatanong Kung Sino Ang sasagot sa pamamagitan ng kaniyang tingin
nginitian ko naman siya ng pag kalawak lawak at inilagay Ang aking braso sa kaniyang upuan at bahagyang iniurong palapit sakaniya ang aking upuan " sa dami ng tanong mo, Ito Lang Ang maisasagot ko HAHAHAHAHAHA Basta she's very special to me " sagot ko habang naka tingin sa mga Mata ni Zhairhyll at naka ngiti ng pag ka tamis tamis
" basta mahalaga siya para saakin " dagdag ko at tumingin sakanila sabay ngiti
itutuloy.....
YOU ARE READING
It will always be you
Short StoryPaano kung isang araw, yung isang taong isinasama mo sa lahat ng pangarap mo sa buhay umamin sayong hindi ka talaga niya Mahal? kamumuhian mo ba siya? o patuloy mo parin siyang mamahalin? " Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin mo rin a...